Darating ka sa punto na, ikaw mismo ang babasag sa standards mo, na you will see yourself loving someone na iba sa taong inimagine mo na makasama habang buhay. 😇
Ang layo n’ya dun sa ideal girl mo na marunong mag gitara, kumakanta, mahaba at straight ang buhok. S’ya, mas sintunado pa sa’yo, jologs magsalita, at saktong ayos lang. Pero minahal mo s’ya, hindi ka handa. Nabasag yung katahimikan ng puso mong pihikan.
Naging kayo eventually, first GF mo s’ya, ang saya saya mo, diba? Tinititigan mo parin s’ya, hindi ka makapaniwala na minahal mo s’ya more than you could expect. Hindi kayo match, oo. Smart ka, average s’ya. Inglisero ka, jejemon s’ya. Maputi ka, morena s’ya. Asan na yung Avril Lavigne na dream girl mo? Wala na. S’ya na yung matamis na panaginip mo, na ayaw mo nang matapos.
Minahal mo slowly, yung kung anong meron s’ya. Natutunan mong magustuhan yung pagkanta n’ya ng teamsong n’yo kahit wala sa tono. Nagiging langit ang pakiramdam mo everytime na magkausap kayo, kahit minsan naiisip mong i-correct s’ya sa mga wrong grammars n’ya, pinipigilan mo ang pagiging grammar nazi, hindi lang masira ang atmosphere sa inyong dalawa . Natuto ka din mag ukay-ukay, ikaw ang chaperone n’ya, taga tingin kung maganda ba s’ya sa suot n’yang mumurahing damit pero para sa’yo, perpekto s’ya kahit cheap ang damit n’ya, dahil para sa’yo, ang halaga n’ya ay hindi matutumbasan ng panlabas n’yang kaanyuan.
Pero hindi naging sapat, ang tapat na pag-ibig. Sinubok kayo ng destiny, pinaglayo kayo. Nangako kayo sa isa’t isa, na kayo ang tutupad sa forever, pero umabot kayo sa game over Alam mong parating pero kumapit ka parin. Tinangay kang nakakapit parin sa saranggolang mataas na nilipad ng pag-iibigan ninyo, pero nakita mong hindi na pala s’ya nakakapit. Nauna na pala s’yang sumuko dahil nakita n’yang wala pala kayong patutunguhan. Hindi kayo match, sa umpisa pa lang, yan pala ang nakatanim sa isipan n’ya nung una pa lang.
Ang dami mong questions sa isipan mo during those times. Parang tren silang rumaragasa sa utak mo. Ano bang kulang? Ano bang hindi mo nagawa? Ano bang dapat ay ginawa mo pala? Madami kang bagay at mga katanungan na nais mong bigyang linaw, pero sa una pa lang ay malabo na pala kayong magkatuluyan.
Minsan, may darating pala sa buhay mo na babasag sa puso mo. Durog na durog ka, kahit ipunin ang bawat piraso ay hindi na maibabalik sa dati nitong anyo. Masasaktan lamang ang sinumang mag nanais na hawakan o lapitan ka.
Hindi ka naging handa, hindi mo na-anticipate sa pag dating n’ya, pero buo mong binigay ang sarili mo sa taong kahit sa imagination, ay hindi mo pala makakasama habang buhay. 😖