Binuo Para Durugin Ulit

Hoy!
Oo ikaw.
Ikaw na nagbabasa nito.
Oo nga, ikaw nga!

Ayoko sanang sayangin ang oras mo pero pwede ba tayong mag-usap? Pag-usapan natin kung bakit anlabo ng mundo. Alam mo yung feeling na mapapatanung ka na lang nang “Lord, ano pong gusto Mong matutunan ko sa part na to”, “kelangan ba talagang dumaan ako sa process na to?”. Yung feeling na parang ang unfair ng universe. Pasensya na ha, masyado na ata akong madrama.

Teka lang naman.
Mag-usap pa tayo.
Wag ka munang umalis.
Please. Kahit makinig ka lang.
Kahit kunwari lang.

Have you ever been in a certain situation na sinukuan mo na yung mga tao sa paligid mo? Yung tipong you already accepted that people come and go, nobody will stays. Then someone unexpectedly came. Gagawin nya lahat para maniwala ka ulit sa mga bagay na akala mo sinukuan mo na. That someone will try harder each day to gain your trust, to make you feel loved. Yung tipong mapapaisip ka na “baka naman nga pwede”, baka magwork. Baka this time magiging worth it lahat. Baka sya yung para sayo. Napakadaming “what if’s “. Napakadaming “siguro naman”. Tapos once again, you’ll feel that wholeness that you’ve been longing for. Unti-unting mawawala yung takot mo. Magiging masaya ka ulit. Yung sayang alam mong pag nawala, magiging sobrang sakit. He’ll make you feel like your heart has never been broken. He’ll treat you the way you believed you deserve. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam! Tapos ayun, BOOOOM! Na-trapped ka na. Attached ka na.

Oyy teka ulit.
San ka pupunta?
Patapusin mo naman ako ohh.
Pasensya na talaga sa abala.
Eto na talaga yun.

Tapos ayun nga. Di mo namalayang nasasanay ka na sa mga bagay na ayaw mong makasanayan. Tas tang-ina d’ba! Andun na eh. Konti na lang magtitiwala ka na ulit tapos saka nya marerealized na parang di na sya sigurado sa nararamdaman nya sayo. Yung antanga naman ng timing! Kung kailan ok ka na, sya naman tong hindi na ok. Pero ang hirap lang. Hindi ka pwedeng magalit kasi hindi naman nya kasalanang biglang nagbago ang feelings nya. Wala kang pwedeng ibang sisihin kundi sarili mo.

Siguro ang gusto ko lang talagang sabihin ay king inang yan! Bat naman ganun? Ano yun? Binuo ako para mas durugin? Pinasaya lang saglit para mas masaktan.? Pero sige oks lang yun. Siguro kaya tayo nasasaktan kasi may mga bagay na paulit-ulit nating di matutunan. Another lesson learned.

Tapos na.
Salamat sa pagsama.
Salamat sa pakikinig.

Ay teka lang ulit!

Ano nga palang pangalan mo?
Sige di bale na lang.
Basta salamat ulit!

Exit mobile version