Dear Ma’am

Dear Ma’am,

Para sa’yo ito.
Mula sa paboritong estudyante mo,
Paboritong pagalitan, batuhin ng chalk, o kaya eraser, minsan bolpen.
Kulang na lang…pati na sana puso mo.

Sobrang inspire ako noong ikaw ang naging teacher namin sa English.
Kaya kong mag-cutting class sa ibang subject pero sa oras ng klase mo?
Never been absent, always present!…o diba ang galing ko mag-English?
Pag-attendance na, pagkatawag ng apelyido ko, pangalan mo sana isisigaw ko.

Pero PRESENT pa din nasasabi ko…sayang.

Sa lahat ng natutunan ko sa klase mo ma’am, alam mo kung ano?
Natutunan kitang mahalin, kahit ako lang ang nakakaalam nito.
Mahirap na, kung malaman pa ng iba baka ikasira mo pa.
Dahil sa estudyanteng na in-love sa’yo.

Hanggang dito na lang ang liham na ito.

Sobra na ang hiya ko sa’yo at pasensya na sa sakit ng ulo sa klase.
Sana maging masaya ka sa buhay na tinahak mo bilang isang guro.
Huwag ka sanang magsawa na batuhin ako ng eraser.
Kase handa akong saluhin lahat…para sa’yo.
Nagmamahal,
Student No. 20060143
Photo by Matese Fields on Unsplash

By Neh ML

Boring yet graceful

Exit mobile version