Can I be your number 2?

Sabe nila wag daw magpaka tanga sa pag-ibig, don’t settle for less. Pero paano kung mahal mo talaga siya at willing kang maging pangalawa makasama mo lang sya. Ang tanga diba? Tapos ang sakit pa…

We just started as workmates, we became friends, magkasama sa mga gala at trip, sabay kumaen sa office, sabay bumili ng kape at magkasundo sa walwal session after shift. Everything is perfect and happy kapag magkasama tayo. I know you have someone special in your heart pero wala naman saken yun that time because it’s purely friendship that we had. Days, months and years passed by, masaya lang lage tayo and still enjoying the company of each other.. until one day I felt something wrong with my myself. You told me you have an out of town trip with that person for 3 days, bat parang ang sakit? Am I getting jealous? I tried many times to deny to myself na nagseselos ako everytime na nagkwe2nto ka sa mga travels niyo together. I’m listening pero deep inside wasak na wasak na ako..

You don’t have any idea of what I am feeling for you now. Sabe ko ilelet-go na kita because I know hindi naman mutual yung meron tayo. Ako lang yung nagbago ng damdamin , one sided love lang kumbaga. Pero ang hirap magpanggap sobra.. yung naiisip ko na kasama mo siya ang sakit sakit sa puso. Gusto ko ng kalimutan ka at tanggalin sa sistema ko pero may parte saken na umaasa na sana “Ako” nalang.. sana “Tayo” nalang.

Noon, ayoko na hindi ako ang priority sa taong mahal ko, masarap kasi sa feeling na hindi ka second option. Pero bat ngayon, parang gusto kong bitawan ang mga katagang “Ok lang saken kahit gawin mo akong pangalawa”.

Exit mobile version