Layuan mo bago pa lumala.

Isa sa pinaka mahirap na desisyon sa ating buhay ay yung parte na gusto mo nang kumawala sa mga “kaibigan” mo.

Naranasan mo na bang mapagiwanan? Iparamdam sa’yo na hindi ka kabilang? At kinakausap ka lang pag may chismis at hanash lamang sa buhay? kung naiintindihan mo ito at naranasan mo, panigurado ay pwede mo maiugnay sa sitwasyon mo ang aking mga natatagong damdamin.

Minsan sa isang magkaibigan, grupo man o hindi, ay di maiiwasan ang mga panahong kayo ay nagtatampuhan at nagaaway. Pero kung ito ay nakakasakal na at hindi na maganda para sa lifestyle mo, kailangan mo nang lumayo at humanap ng positibong paligid para sa kabutihan mo.

Nagkaroon ako ng mga kaibigan, syempre sa una okay pa kami, nagkakakilala at nagkakapkapan muna kami ng aming paguugali. Hanggang sa umabot kami ng 4 na taon.

Siguro sa huling dalawang taon ang pinakamahirap na naging karanasan ko sa mga kaibigan kong iyon. Dumating na din ako sa punto na sinisisi ko ang sarili ko sa mga pinag-gagawa ko at bakit ba ganoon ako.

Hinayaan ko lang ang mga kaibigan ko na abusuhin ang kabaitan ko at pagiging mapagkumbaba ko sakanila. Akala ko pa naman sa pag-tagal ng panahon ay mapapatibay ang aming pagkakaibigan, na kahit may isa sa aming malayo na ay matibay pa rin ang magiging samahan namin. Pero nagkamali ako, masyado akong umasa sa mga positibong pangyayari na gusto kong makamit sa aming magkakaibigan. Nalulungkot ako dahil sila ay hanggang salita lamang.

Sinasabi nila sa akin na andyan lang sila para sa akin, handang makinig at intindihin ako sa mga pasakit ko sa buhay. Pero alam mo yun? malulungkot ka na lang kasi kahit na nailabas mo na mga hinanakit mo o kaya mga problema mo, parang wala na lang sakanila at ang masaklap pa ay mas kinukumpara pa nila ang sitwasyon nila kaysa sayo, mas pinapahiwatig nila na mas masakit ang kanilang naranasan at wala ito sa level mo kaya hindi valid ang mga malulungkot na naranasan mo.

Nakakapanghinayang din ang pagbibigay mo ng payo (advice) sakanila pero di pa rin nila kayang pakinggan o marealize ang mabuting mensahe na ipinahayag mo sakanila. Napaka-pointless minsan kasi it’s so obvious na makikita mo yung mali sa pinaggagawa nila pero pag sila ang nasaktan sa huli, bigla na lang silang susulpot na kabute na para bang obligasyon mo pang magdesisyon din para sakanya kaya minsan at the end of the day makakaramdam ka ng guilt kasi naging advisor ka din para sa kaibigan mo. Although di naman nila kaya pakinggan nararamdaman mo.

Isa ding pagiging toxic pag nakakilala ka ng bagong makakasalimuha o kaya may iba ka ding kaibigan na kasama ay bigla na lang silang hindi namamansin, wala manlang malinaw na dahilan kung bakit sila ganon tapos bigla bigla na lang mamansin as if walang nangyaring silent treatment.

Ang hirap maging option lalo na sa mga kaibigan mo, o kaibigan ba talaga? Hindi masama ang mag-stay at maging marupok sa mga kaibigan, pero kung hindi na ito healthy para sayo at sila na ang nagiging dahilan ng pangunahing kalungkutan mo, layuan mo na sila bago pa ito lumala at mahihirapan ka nang kumawala.

Exit mobile version