Sobrang namimiss kita
Kahit alam kong hindi na dapat pa
Mga usapan nating walang kwenta
Bakit pilit ko pang inaalala?
Sobrang sobrang namimiss kita
Kahit alam kong tayo’y tapos na tapos na
Mga araw at oras na kasama kita
Bakit hinahanap hanap ko pa?
Sobrang sobrang sobrang namimiss kita
Kahit alam kong ikaw ay may iba na
Mga pinagsamahan nating dalawa
Bakit sobrang pinapahalagahan ko pa?
Masakit para sakin aminin na namimiss kita ng SOBRA
Pero mas masakit para sakin ang aaminin ko sa mga susunod pang linya
Mahal parin kita, kahit alam kong DAPAT NILILIMOT NA KITA.
Mahal parin kita, kahit alam kong AKO SAYO’Y WALA NANG HALAGA.
At mahal na mahal parin kita, kahit alam kong DAPAT HINDI NA.