September 23, 2022 Magpapasa ako ng requirements ng mga clients ko today sa office ng Filinvest dahil Meron pa akong kulang na hindi naipasa last week so kailangan kung bumalik para sa Insurance form at sa SPA form na kailangan din ipanotary.
Okay na yung insurance at hindi naman ako nahirapan na ipasa pero sa SPA ako nagkaproblema dahil yung notary public na dapat kung saan ako magpapanotary ay ang daming requirements na hinihingi, (1) Proof of ownership, (2) ID na May 3 pirma at (3) dapat kasama yung mismong client at sa harap nila pipirma, eh yung client ko nasa Singapore kaya namomroblema ako paano ko mapapasa yung last at natitirang requirements.
3:15 nung pumunta ako sa office at ang napasa ko lang ay Insurance form at dahil hanggang 4pm lang yung office iniisip ko na sa ibang araw nalang kaya lumakad na ako palabas hanggang MRT then nagbakasakali ako na baka merong ibang notary public na malapit at mas mura dahil dun sa isa ay 950 ang notary nila which is May kamahalan.
Nagtanong tanong ako sa mga guard kung saan merong notary public sa Boni and then Meron isang pasahero ng MRT na lumapit sakin at nagsabi na meron daw notary public sa crossing, at dahil hindi ako pamilyar sa lugar at hindi ko alam binigay nalang nung lalaki yung number para tawagan at ang nakalagay “Notary Darius” kaya agad kong tinawagan yung number pero walang sumasagot, pero tinext ko nalang kung bukas ba sila pero wala pa rin reply. Kaya nagtanong ako sa guard ng MRT paano ako pupunta ng crossing at ang sabi sumakay lang daw ako at baba sa Shaw Station at pagbaba ko ay meron dung notary public at yun agad ang naisip ko.
Sumakay ako from Boni at bumaba ng Shaw at nagtanong tanong saan Banda merong notary public hanggang sa makalabas ako ng MRT at tinuro sakin kung saan banda, pagkarating ko ay nakita ko si Kuya Darius at Dali daling tinanong ko siya kung pwedeng magpanotary.
And, praise God pwede daw at wala na siyang ibang documents na hiningi sakin kaya sobrang galing ng work ng Lord kaya binigay yung 8 copies ng SPA form para mahabol ko sa notary at dahil napakabait ni kuya binilisan niya nga habang nagkukuwentuhan kami na kailangan kong bumalik sa Boni ng 4pm at kung taga saan ako, experiences ko sa sales at marami pang iba.
Hindi nagtatapos dun yung favor ng Lord, 3:48pm natapos na si kuya magnotary at handa na akong ibigay yung 1K pero praise God ang siningil niya lang sakin ay “150!” imagine yung difference ng 950 sa 150, pero pinipilit ko siya na kuya taasan mo kase okay lang naman May pangbayad ako, kase yung ibabayad ko ay ire reimburse naman ng client kaya okay lang Kahit magkano, kaya ng malaman niya na si client naman pla ang magbabayd nilagay niya sa resibo ay 300 pero, 150 pa rin yung Kinuha niya at yung 150 ay sakin daw dahil napakalayo ko pa at tulong niya nalang daw sakin, pinipilit ko na wag kase nahihiya ako pero naginsist na siya kaya nagpasalamat ako ng sobra at nagbayad sa kanya at tumakbo ako paMRT para sumakay ulit at bumalik sa Boni para ipasa yung SPA.
3:57pm nakarating na ako ng office at hingal na hingal na pinasa yung documents at nagulat yung receiving area kase akala nila uuwi na ako pero bumalik ako para magpasa kaya nagtanong siya saan daw ako nagpanotary haha, and PRAISE GOD! Dahil tinanggap at naging kumpleto na yung requirements ng client ko. Kaya habang nasa MRT ako pauwi umiiyak ako dahil sa favor na ginawa ng Lord kung gaano siya kabuti at kadakila sakin.
Papuri at pasasalamat sa Diyos na buhay!
“I have found favor in your eyes, my lord, for you have comforted me and spoken kindly to your servant, though I am not one of your servants.” Ruth 2:13