Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw

November 19, 2022 Sabado, Pagkatapos ng morning practice para sa opening presentation ng Sunday kasama Kong kumain ng siomai rice yung mga lifegroup members ko at pagkatapos naming kumain ay naisipan naming maglaro ng volleyball at dahil bukas yung gate ay sa May bandang dulo kami naglaro para iwas sa mga sasakyan. Habang naglalaro kami ay May matandang babae na dumaan na may dalang plastic at nanghihingi pera pangkain pero hindi namin pinansin, si nanay ay nakasaklay at bulag. Bumalik kami sa paglalaro ay napansin na bumalik na ulit ng ikot si nanay at nagtanong kung dito naba yung labasan at dun na ko nagsimulang kausapin siya at tanungin kung San ba siya pupunta, iniwan ko muna yung mga member ko sinamahan si nanay. Habang naguusap kami, ang tanging gusto niya lang ay pera pambili ng pagkain at dahil bukas siomai inalok ko siya kung gusto niya bang kumain ng siomai rice at sabi niya oo daw kaya dinala ko siya agad sa kainan at bumalik muna ako ng church para kumuha ng pera pambayad. Pagkabalik ko ay binilhan ko na siya at binilhan ko pa siya ng isa para makain niya pauwi at si ate na nagtitinda ay nahabag din kaya binigyan niya ng bottled water si nanay. Pagkatapos kumain, nakita ko yung saya sa kanya at sobrang pasasalamat, nagusap kami at nagtanungan kung Taga-saan ba siya at pangalan niya, siya ni Nanay Rose Marie Tomon na nakatira malapit sa tolgate patay na ang asawa at anak kaya siya nalang magisa ang nagsusumikap para makakain, tinanong ko pa siya paano siya nakapunta ng pag-asa at ang sabi niya nilakad niya daw. Gusto ko ng umiyak na kahit sa ganung kalagayan ay napakatapang niyang harapin lahat para lang mabuhay. At napaisip ako na napakatapang ng mga magulang at matatanda dahil nagawa nilang makatawid ng 20s at 30s, dahil sa panahon ko kayong 24 yrs old Hindi ko na kabilang kung ilang beses Kong hiniling na kunin na ko ni Lord kase nahihirapan na ko to think na May bahay akong tinutuluyan, may nakakain, at May pamilya. Akala ko ang tumulong pero ako pala ang tinulungan. Tinulungan ako na magpakatatag na kahit nahihirapan ako kaya ko pa ring magpatuloy, na Kahit takot ako alam ko kasama ko ang Diyos at hindi niya ako pababayaan. Papuri sa Diyos na buhay!
God is so creative and has so many ways in comforting you, that He can use other people to strengthen you and let you know that you are not alone in this tough world.
“Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.”
‭‭Mga Awit‬ ‭119‬:‭50‬ ‭RTPV05‬‬
Exit mobile version