Ginawa mong mundo ang taong hindi ang mundo mo ang gusto


Minsan kahit anong pagkagusto mo sa isang tao, sa huli hindi ka pa rin niya magugustuhan at masasakatan ka lang.

Masasaktan ka kasi umasa ka at naghangad ka ng “mas” sa kaya niya lang ibigay sa’yo. 

Darating yung point na feeling mo unwanted ka, kasi ilang tao na yung nagustuhan mo, pero you’ll end up confessing and then being rejected. Pero hindi ba mas okay nang ma-reject yung feelings mo, keysa naman umasa ka sa taong gustung-gusto mo, na baka pwede, na baka maaaring magustuhan ka rin niya, kahit parang imposible?

Kahit hindi mo aminin, may part sa sarili mo na umaasang kahit konti, kahit 0.0001%, pwede ka niyang magustuhan, o kaya mahalin. Alam mo naman kasi sa sarili mo na, nag-eeffort ka, pinapasaya mo siya, inaalam mo yung mga gusto niya, andiyan ka kapag malungkot siya, at hindi mo siya iniiwan. 

Hindi kasi ganon eh, hindi kasi laging ganon. Hindi dahil ibinibigay mo yung akala mong magpapasaya sa kanya, hindi dahil andyan ka lagi para suportahan siya, at hindi dahil gusto mo siya or probably mahal mo siya, ay ibabalik niya na rin yung mga bagay na ibinigay mo sa kanya, at yung feelings na kahit anong gawin mo ay wala lang naman para sa kanya. Hindi ‘yan parang “kapag binato mo ng bato ay babatuhin ka ng tinapay”. Mas akma yung binato mo siya ng tinapay, pandesal, cheese bread, pero babatuhin ka lang ng bato, in the end.

Talo ka na naman. Pakiramdam mo, unti-unting dinudurog at pinagpipira-piraso yung puso mong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ang taong hindi pala kayang ibalik ang lahat ng ibinibigay mo. Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa mga mata mo, habang sinasabi niya sa’yong, “hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko”

Wala ka na namang magagawa, kung hindi ang tanggapin, na wala talagang pag-asa. Walang pag-asa dahil kahit ilang ulit mo pang sabihing gusto mo siya, hindi ka pa rin niya magugustuhan.

Sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na hindi ka niya kayang gustuhin at turuan ang puso niyang mahalin ka. Ayaw niyang masaktan ka, ayaw niyang makasakit ng ibang tao, pero ikaw mismong sarili mo ang gumagawa ng dahilan para masaktan ka. Your expectations and assumptions, iyun yung totoong dahilan ng sakit na nararamdaman mo ngayon.

Sa huli, baka kailangan mo lang tanggapin na nagkamali ka, noong ginawa mong mundo ang taong hindi ang mundo mo ang gusto.

By Kathleen Nicole

She loves to write.

Exit mobile version