To the person that I have to let go

Magta-tatlong taon na pala mula nang makilala kita. Ang tagal na din pala mula nung makasalubong kita at malaman yung pangalan mo. Kilalang-kilala na natin ang isa’t-isa. Alam mo na nga kung ano yung biggest struggle ko. Alam ko din yung sa’yo.

Alam mo, noong nakilala kita, sobrang saya ko noon! 🙂 Noong una, hirap akong ichat ka. Madalas mo pa nga akong i-seenzone eh. HAHAHA! Pero nung broken ka, pinakita ko sa’yong nandito lang ako para sa’yo. Hanggang sa dumating yung panahon na madalas na kitang nakakachat. Madalas na din kitang nakakasama. Madalas tayong kumain sa labas kahit kulang pera natin. Pero masaya naman kasi nakasama natin ang isa’t-isa. Then, dumating yung panahon na di tayo pwede magsama. Di tayo pwede magusap [kahit sa chat lang]. Hindi din tayo pwede magkita kasi ayaw ng parents mo. Sobrang sakit pala, noh? Pero para sakin, kahit masakit, okay lang dahil inobey mo ang parents mo. Doon kasi map-please si God. 🙂 Kaya… natuwa din ako noon. Kaso… pasaway ka eh. Nagulat ako dahil gumawa ka ng paraan para makapagusap tayong dalawa. By God’s grace, nakasama ulit kita. Naging active ka sa church. And praise God dahil nagjoin ka pa nga ng ministry! Grabe lang yung saya ko noon.

Mahal na mahal kita. Pero narealize ko, habang tumatagal, ikaw na ang nagiging priority ko, which is mali. Dapat si God. Mali ang ginawa ko. Nawala ang focus ko kay God. Active ako sa church at sa ministry pero yung puso ko ang layo kay Lord. Hindi ko man lang narealize [that time] na si God ang source ng happiness natin. I forgot na si God nga pala ang reason kung bakit tayo nagkakilala. Ngayon… wala ka na ulit. It hurts. Sobra. Kasi sabi mo dati “please keep me.” And I kept you. Ginawa ko yung sinabi mo. Pinaglaban pa nga kita noon, kasi di kita kayang mawala. Pero in the end ikaw din pala ang aalis. 1 month mo akong ‘di chinat. Ang sakit. Gabi-gabing sumasakit ang lalamunan ko dahil pinipigilan kong umiyak. Sa mga panahong yun, tinatanong ko lang ang sarili ko kung “bakit pa kita nakilala?” Pero I know na inallow toh ni God. Then there… nagchat ka ulit. Hindi para sabihin sakin na babalik ka. Nagchat ka kasi magpapaalam ka na nang tuluyan. Na di ka na talaga babalik.

I have to let go of you. Masakit, oo. Pero I wanna grow and I want you to grow. And I realized na sometimes, God will tell us to let go in order for us to grow. Narealize ko na part ng pag grow ang pag let go. I know na this is part of God’s perfect plan. Hindi ko man gets yung ginagawa ni Lord, but I’ll trust Him and His process. Salamat. 🙂 Ang daming lesson ang tinuro ni Lord sakin through you. 🙂 Mahal na mahal kita tulad ng pagmamahal na pinakita Niya ☝.

Para sa mga nagbabasa esp. for those na sinabihan ni Lord na maglet go, naiintindihan ko kayo. I know kung gaano kasakit. Alam kong nakakadurog talaga ng puso. Naiintindihan kita. It takes time. Pero as you go through the darkest valley of your life, allow mo si Lord na maging light. Today might be the darkest hour of your life, but I want you to know that God is with you. Hindi ka Niya pababayaan. Kahit anong mangyari, obey ka lang. Expect mo yung blessings ni Lord pag nag obey ka. Iwan ka man ng mga taong minahal mo, lagi mong tatandaan na kailanma’y ‘di ka iiwanan ni Kristo.

*I’ll let go and let God. Si Lord na ang bahala sa atin. His will be done. Kasi I know na mas maganda yung pinrepare ni God para sating dalawa. IDK if makakasama pa kita, pero if hindi na…………….. ayos lang. ^_^ If yun naman will ni Lord, it’s okay. ^_^ Basta my prayer for you is that you will grow spiritually. Allow Him na gamitin ka in a mightier way.* 🙂

Lovelots 3000 :>

Trust God and His process.

“Jesus, Your Presence… is the comfort of my soul” – With You by Elevation Worship

Exit mobile version