Hanggang pangarap lang ba talaga kita?

Sabi ko noon, “gusto ko nito gusto ko nyan, gusto ko ganito” .. Pero nung nakita kitang nag lalakad sa pathway ng school 6yrs ago.. Sabi ko “gusto ko sya”

Sa lahat ng nagustuhan ko ikaw lang yung hindi ko pinag lakasan ng loob, kasi sabi ko HRM lang ako ikaw Mechanical Engineering.. Sabi ko, ang taas taas mo. Hindi kita kayang abutin. Kaya ang ginawa ko, pinapanuod nalang kitang maglakad, gumalaw, tumawa, at makipag usap sa iba.

Years pass by, maraming nangyari sa mga buhay natin… Nagkaroon ka ng 5 yrs relationship.. At ako nagkaroon ng napakaraming kapalpakan sa pag ibig.. Pinaka sa sarili ko..

One day came at gulat na gulat ako na inadd mo ako.. Napatili pa ako nun sa office… Sabi ko “Diyos ko po! Totoo ba to?” Then we became friends and lot of things yung napag usapan natin.. Hanggang sa nahulog ako sayo ng nahulog.. Hanggang sa nalaman mo yung sikreto ng nakalipas..

Takot na takot ako nun, na hindi mo ako mapili at magustuhan… At yun na nga.. Tama nga siguro ang sinabi ko nuon na mahirap kang maabot. Kasi patuloy mo paring inaabot ang nilampasan kana, at patuloy mo namang sinasantabi yung gusto kang ingatan.

Ewan ko ba, martir na ba ako o nag papakatanga lang talaga. Pero hindi. Hindi ako tanga. Siguro best word to say is “sincere ako sayo”. Pero siguro nga, tama yung mga sinasabi ng iba.. Na kapag gustong gusto mo yung tao, yung tao naman na yun ang ayaw sayo.

Bakit kaya ganun? Bakit kaya mahirap kang abutin? Kasi ba hanggang pangarap lang ba talaga kita?

(Real life story ito, ng kaibigan ko. Naisipan kong ilimbag kasi masyado akong natouch sa pag ibig nya para kay Engr. 😊… Na kahit na ganun, kahit na ganito, mahal na mahal parin nya at handa syang maghintay at tanggapin ito hanggang sa magising ito at bigyan ng pagkakataon yung “sila”. Minsan talaga ang pag ibig mahirap maintindihan, bakit ganito? Bakit ganyan? Kasi siguro, sinusubok ang lahat ng bagay para makita kung totoo ito at kung para ba talaga ito sayo. Sinusubok para mas maging better version ng mga sarili. Keep this in mind, “MAGMAHAL KA, PERO WAG MONG KAKALIMUTANG DALHIN ANG UTAK MO”. 😊 To my friend, sana matupad yung prayers mo, kung hindi naman.. I believe God has someone reserved just for you. Yung hindi ka mahihirapan. Hindi dapat 24/7 e warrior mode ang puso natin ha. Matutu rin sumuko o bumitaw.. Babae ka. Hintayin mong ipaglaban ka ni Boaz. 😉)

Published
Categorized as Poetry

By Mary Rutchelle

Hopeless Romantic, Malikot ang isip, Nangangarap ng dilat ang mga mata.

Exit mobile version