Heart of a Warrior

Lagi kong naaalala ang mga kahapon,
Alaalang mukhang ako lang ang nag iipon.

Pinahahalagahan ko ang bawat segundong kasama at kausap ka,
Sabay tayong nag tatawanan sa mga bagay-bagay na minsan wala namang kwenta.
Ang tawa mong malakas, na kahit na masira pa’ng mukha mo hindi ko parin maiwasang tumitig sayo.

Lalo na sa mga mapupungay mong mga mata.
Hindi ako sigurado kung talagang nangungusap sila o guni-guni ko lang ang lahat.

Ang boses mong kahit masakit pakinggan sabi nila, ngunit mala-anghel ang naririnig ko sa twing ika’y kumakanta.

Gumagaling ka. Kaya lalo akong nahuhulog sayo. Hindi lang dahil sa itsura mo, sa mga abilidad mo o sa mga nakakamit mo. Nagustohan kita dahil alam ko na lagi mong inu.una ang Diyos kaysa sa mga bagay2 na naka.paligid sayo. Naging matatag ka sa bawat pagsubok na tinamo mo. May mga pagkakataong ika’y nadadapa at kami’y nag hihintay sa muli mong pagbangon. At sa bawat pag bangon mo’y katuparan ng panalangin ko.

Ngunit, titigil na ba’ko?
Gusto ka niya at gusto mo siya.
Alam kong malabo na makita mo pa’ko kasi andyan na siya.

Napag.tanto ko.
Hindi ko kailangang sumuko dahil lng sa parehas kayo ng nararamdaman sa ngayon.
Hindi mn ako sigurado kung ikaw na ba o may iba pang darating. Isa lang ang sigurado sa ngayon, ipagdarasal kita at ipaglalaban kita.

Babae ako.
Alam ko ang halaga ko.
Prinsesa ako.
Anak ng Diyos na mahal mo.
Hindi kita mamanipulahin.
Pipigilin ko ang sarili kong mas mapalapit sayo, mamimis ko man ang mga ngiti at asar mo, tutulungan ko muna ang sarili kong protektahan ang puso ko.

Ang paglayo ko ay hindi palatandaan na sumusuko na ako. Ito’y nagpapahiwatig na kaya kong mag pigil sa nararamdaman ko at mag hintay sa panahong inihanda ng Diyos.

Susunod ako sa tamang proseso, mag hihintay sa pag dating mo.

Published
Categorized as Waiting

By Kristina

I just love to write.

Exit mobile version