Para Sa Kanyang Minahal Ko Sana Bakit nga ba laging nasa huli ang pagsisisi?Heto ako ngayon, mag isa, nalulungkot at nagmumuni muniBakit kaya noong una’y naging tanga at malabo ang mataNgayon ko lang napagtantong sayang pala, siya pala’y sobrang halagaNaaalala ko pa ang dati, andyang balewalain kita at hindi man lang pansinin mga paghihirap mo sakinAkala ko kasi’y walang hanggan ang iyong pagsinta, lungkot mo’y hindi ko pinansinBawat hikbi, mga patak ng luha sa iyong pisngi ay binalewalaMinahal mo ako ng sobra ngunit ako’y naging manhid, puso mo’y hinayaang nagdurusaLumipas ang panahon, landas natin ay nagkalayoMasaya ka na ngayon, ako nama’y naiwang walang ginawa kundi magtanongBakit nga ba kung kelan huli na ang lahat ay tsaka ko lamang mapagtatantoKung sana ay natuto akong makuntento, magpasalamat at magmahal ng totoo, sana hanggang ngayon, meron pa ring TAYO