Hindi mo katapusan ang nakaraan

Minsan talaga, akala natin katapusan na ng lahat. Pero ang totoo, simula pa lang ng pinakamagandang istorya ng buhay natin.

Nakaraan (Verb)- kung patuloy ka pa ring sinasaktan at nagdudulot pa rin ng panghihinayang.

Sasaktan ka ng mga alaala, ng mga ngiting sobrang linaw pa rin sa isipan mo. Paiiyakin ka ng katahimikan ng gabi na dating maingay dahil sa deep talks niyo over the phone o minsan video call pa nga. At ang tunog ng bawat pagpatak ng mga luha ay may kirot na dala d’yan sa puso mo. Hindi ka patutulugin ng mga “paano kung okay pa rin? Paano kung nag-work-out?” (Baka may abs ka na siguro.) Gigising kang basa ang unan dahil sa pag-ulan ng kapaitan mo at mahihirapan kang patuyuin ‘yun dahil wala na ang init ng pag-ibig niyo. Gising!

Pero teka lang! Hindi naman lahat ng dulot ng nakaraan ay luha’t pasakit lang.

Nakaraan (Noun)- kung naging aral na ‘yon sa’yo.

Ang mga gabing puno ng hikbi noon, pagtulog na may pagmutawing ngiti na ngayon. Alam mo na bakit nangyari ang mga bagay-bagay. Na-appreciate mo na ‘yung halaga ng bawat luha. Ang puso mong sadlak sa kalungkutang dulot ng maling tao noon, ngayon ay pinupuno na ng panalangin para sa taong ibibigay sa’yo ni Lord in the future.
Kung dati ay napupuyat ka sa bangungot ng katotohanang isinampal sa’yo, ngayon ay nagbigay ng mahimbing na pagtulog sa puso’t isipan mo-dahil alam mo na. Ipinagkakatiwala mo na kay Lord ang puso mo at sa taong ibibigay niya in the right time.

Magiging kaaya-aya lang ang nakaraan kahit na puno ng panghihinayang kapag tinanggap mo nang parte na lang ‘yon ng buhay mo- na dapat kapulutan ng aral.
The best is yet to come! Lalo na kapag ini-invest mo ang waiting season mo in serving the Lord!

Published
Categorized as Move On

By Zhen

A work in progress

Exit mobile version