No to Friendship Over !

 “What about us, what about feelings, what about love that makes life worth living”

The less the circle the better.  Isang hindi inaasahan naboung pag kakaibigan na kung tawagin ay matira ang matibay. Nag umpisa ang lahat sa kwentuhan na sinabayan ng walang katapusang tawanan at biglang may nagkaroon na ng lihim na nararamdaman.  Pero sa hindi ina-asahan isa sa inyo ay dapat ng lumisan, lumisan sa paraan na hindi mo ginusto pero ang paglisan mo pala ang nag papalapit sa inyong napag iwanan na nararamdaman.  Walang salitang binitawan pero sa kilos mo ito ay nagbibigay saloobin at nagpapahiwatig sa mga ngiting hindi mo masabi ang tunay na dahilan. 

Subalit, kelangan niyong alagaan ang inyong pagiging mag kaibigan, at sinubukan niyong pigilan para hindi masira ang inyong samahan. Pero dumating ang araw na isa sa inyo ay nagkaroon ng pagka abalahan na nauwi sa magandang pagtitinginan na siya lang ang may alam. At ikaw na isang matalik na kaibigan ang bukod tanging sumbungan kung siya ay nasasaktan, kahit alam niya na ikaw ay meron din lihim na pagtingin na pilit mong dinaramdam.

Bilang isa sa taga subaybay ng kanyang mga hinanaing ako ay laging nag hihintay para siya ay ma bigyan ko ng pansin. Sa laki ng kanyang tiwala sa akin ay hindi na siya nag atubiling mag sabi ng kanyang saloobin. Isang araw naka ramdam ng sakit ang aking kaibigan, sakit na pilit nyang tinago at ipakita sa akin na matatag at malakas ang kanyang pakiramdam. Subalit ito ay nag bigay daan para kami ay mag usap  ng masinsinan na uwi sa madaling araw na usapan.

Hindi ko mawari kung nabaling man ang nararamdanam ng aking kaibigan , pero ito ay hindi ko binigyan ng halaga, kasi nasa isip ko na kami ay matalik na mag kaibigan lang talaga, dumating ang araw na gusto niyang lumayo muna para maka paglabas ng sama ng loob, at doon ko siya binigyan ng oras para makita at maka usap ang buong akala ko ay  isang araw ko lang siya makasama pero umabot nag tatlo hanggat naging sampung araw na. Sa loob ng mga araw na yun hindi namin masabi kung anong meron. Nag aagaw ang tanong sa aking isipan kung sino sa amin ang Assuming or Denial man  lang.

Habang sinulat ko ang mga katagang ito, andito siya sa tabi ko  na ang boung akala niya may iba akong ginawa ang hindi niya alam binigyan nya ako ng lakas ng loob para ipahiwatig ang aking saloobin pero hindi ko masabi ang aking tunay na naramdaman, basta kami ay masaya lang. 

Minsan tinatanong ko nalang sarili ko: Where is the love? Nasaan ang Pag-ibig? Pag- ibig na walang monthly contribution but mandatory.

By Ecinev

WYSWYG

Exit mobile version