Huli

HULI

Ito na ang huli.

Ito na ang huling mga letrang bubuin ko para sayo.

Ito na ang huling mga salitang iaalay ko para sayo.

Ito na ang huling mga luhang papatak mula sa mga mata ko dahil sayo.

Ito na ang huli.

Ito na ang huling beses na babalikan ko ang ating mga ala-ala.

Ito na ang huling beses na dadamahin ko ang sakit sa mga araw na nasaktan mo ako.

Ito na ang huling beses na luluha ako sa pag-alala sa mga araw na pinasaya mo ako.

Ngunit ito ang una.

Ito ang unang araw kung saan tatalikuran kita.

Tatalikod sa mga masasakit na pangyayari sa ating dalawa.

Ito ang unang araw kung saan magpapaalam ako sayo ng tuluyan.

Magpapaalam sa mga masasayang pangyayari na mahirap kalimutan.

Ito ang una.

Ito ang unang araw na papalayain kita ng tuluyan.

Ito ang unang hakbang ko palayo sayo.

Ito ang unang araw na ikaw ay bibitawan ko ng tuluyan.

Ito ang unang dapat kong ginawa nung sukuan mo ako.

Tama na.

Tama na ang higit sa isang buwang paghihintay ko sayo.

Tama na ang higit sa isang buwang pag-iisip kung mahal mo pa ako.

Tama na ang higit sa isang buwang pag-kapit ko sa mga salitang binitawan mo.

Mga salitang hindi ko alam kung kakapit pa o bibitaw na ako.

Palayain mo ako.

Palayain mo ako sa mga pangako mong hindi mo kayang tuparin.

Palayain mo ako sa bukas na walang kasiguraduhan.

Palayain mo ako sa mga salitang maski ikaw ay hindi mo maintindihan.

Palayain mo ako sa kahapon na hindi na pwede sa kinabukasan.

Patawarin mo ako.

Patawarin mo ako sa mga araw na hindi kita kayang paligayahin.

Patawarin mo ako kung hindi ako sapat para masabi mong masaya ang buhay.

Patawarin mo ako sa mga araw na hindi kita kayang intindihin.

Patawarin mo ako kung susuko na ako sayo.

Ayoko na.

Ayoko nang maniwala sa mga salitang, “Baka tayo pa rin sa huli”.

Ayoko nang panghawakan pa na, “Baka meron pang bukas para sa atin”.

Ayoko nang hulaan kung sino na ba ang mga taong nagpapangiti sayo ngayon.

Ayoko nang isipin kung saan ka pumupunta upang magpalipas ng gabi.

Nakakapagod na.

Pagod na pagod na ako sa araw araw na hindi mo pagkausap sakin.

Pagod na pagod na ako makita na hindi na ako ang dahilan ng pag gising mo sa umaga.

Pagod na pagod na ako makibalita sa ibang tao kung kamusta ka na ba.

Pagod na pagod na ako isipin kung sino sa kanila ang ipapalit mo sakin.

Pagod na pagod ako sa pagtawag ko sa telepono mong hanggang ngayon nakaBLOCK ako.

Ang sakit na.

Ang sakit na ang daming bagong tao sa buhay mo ngayon, at hindi na ako kasali sa mga plano mo.

Ang sakit na hindi na ako ang binabati mo ng GOOD MORNING at GOOD NIGHT.

Ang sakit na bawat gagawin kong hakbang na PARA SA AKIN, ang magiging dahilan para talikuran mo ako ng tuluyan.

Ang sakit na sa bawat taong makakausap ko, ako ang dahilan kung bakit ka sumuko sa atin.

Ang sakit na hindi nila alam kung ilang luha na ang iniluha ko dahil sayo.

Ang sakit na hindi nila alam ang mga dahilan kung bakit ko nagawa ang mga bagay na ikinasakal mo sakin.

Ang sakit sakit na.

Ang sakit na pati sarili ko kinalaban ko para ipaglaban ang TAYO.

Ang sakit na patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa pagwawakas ng ating kwento.

Ang sakit na araw araw kong tinatanong ang sarili ko, “HINDI BA TALAGA AKO WORTH IT IPAGLABAN?”.

Ang sakit na sa bawat araw na lumilipas na hindi kita nakakausap, bumubungad sa akin ang dapat noon ko pa nakita.

Mga senyales na pikit mata kong nilalampasan dahil nabulag ako sa MAHAL KITA.

Salamat.

Salamat sa mga masasayang ala-ala na pinaranas mo sa akin.

Salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo sa akin.

Salamat sa pagpaparamdam sakin na pwede pa akong mahalin ng totoo.

Salamat sa chance na maging parte ng buhay mo.

Salamat dahil mas nakilala ko ang sarili ko dahil sayo.

Pero ito na ang huli.

Ito na ang huling beses na magsusulat ako para sayo.

Ito na ang huling beses na luluha ako dahil sayo.

Ito na ang huling beses na sasabihin kong MAHAL NA MAHAL KITA.

Paalam.

Exit mobile version