Isa ka pa lang ibon Ibon na malayang lumilipad noon Pero tinamaan ka ng isang tirador Nasugatan ang iyong pakpak saka ka bumagsak Umiyak ka at humingi ng saklolo Pero hindi nila pinansin ang bawat paghikbi mo Akala mo katapusan na ng mundo Akala mo mamamatay ka na sa sakit ng sugat mo At nakita kita Napansin kita kahit malayo ka Narinig ko ang bawat pagluha mo May pagkakataon akong lumayo pero lumapit ako Unti-unti kitang inalalayan Ginamot ko ang pakpak mong nasugatan Wala akong karapatan pero ikaw ay aking inalagaan Minahal kita at pilit pinaramdam na may isang ako na hindi ka iiwan At naghilom ang pakpak mong sugatan Masaya ako dahil hindi ka na nasasaktan Wala ng luha ang pumapatak sa mga mata mo Gamit ang lakas mo kaya mo nang tumayo Pero darating din pala sa puntong kailangan mong lumisan Ibon ka pala na kailangang pakawalan Hindi pala kita pwedeng ikulong sa aking tahanan Dahil mas masaya ka nga pala kapag lumilipad sa kalangitan Akala ko sa paggaling mo magiging mas malapit tayo Pero ito pala ang dahilan ng ating pagkakalayo Oo, dumating lang pala ako para gamutin ang sugat mo At ngayong magaling ka na, kailangan na kitang bitawan ng mga kamay ko.