Sa loob ng isang parisukat
Mata ko’y namulat
Puso’y nagpumiglas
Nalunod sa nakakabinging sandali
Nang marinig ko ang iyong mga labi
Iisang hangin ang hinihinga
Tatlong segundong namangha
Mata’y nagkasagupa
Labi ay naglapat ng hindi sinasadya
Pigilan man, gagawin pa rin
Paulit-ulit kang iisipin
Pakikinggan ang boses mo sa hangin
Hanggang sa mapagod at makalimutan ka na rin.*