Ilang salita at bantas pa kaya ang pagtutugmain ko, para matandaan kong ang ako at ikaw ay hindi posible?
Ilang beses mo pa kaya akong babalewalain, para mapagtanto kong malayo ako sa gusto mo?
Ilang ulit ko pa kayang sasabihing gusto kita, bago ko maintindihang hindi mo ako gusto?
Ilang beses ko pa kayang pakikinggan ang mga kanta mo, para maunawaan kong hindi para sa akin ang lahat ng paghimig mo?
Ilang kanta at tula pa kaya ang gagawin ko, para madinig ng buong mundo na ang tayo ay sana pwede?
Ilang liham at sulat pa kaya ang isusulat ko, para maiparating sa’yo na ngayong araw ikaw lang ang gusto ko?
Ilang minuto at segundo pa kaya ang hihintayin ko, para makalimutan ko na gusto kita, kahit anong mangyari?