Mahal, kamusta ka na kaya?
Ilang linggo na din pala ang nakaraan mula nang ako’y tuluyan mong iwanan.
Ang daya mo, bigla mo’kong binitiwan nang di ko man lang alam ang tunay na dahilan.
Gustong gusto ko sanang lumaban, ngunit paano ko gagawin yun kung sinasampal sakin ng katotohananan na wala naman akong karapatan.
Oo, Ilang buwan lang ang ating pagmamahalan pero taon yata ang aking bubunuin para ikaw ay tuluyang makalimutan.
Hindi ako magtatanim ng galit sa bigla mong pagbabago, ang nais ko lang sana ay masagot mo ang mga katanungang gabi-gabing bumabagabag sa isipan ko.
Mahal ko, minahal mo ba talaga ako? O wala ka lang magawa sa buhay mo kaya nararamdaman ko ang napagdiskitahan mo? O di naman kaya dahil ako lang ang nasa tabi mo sa panahong ika’y lito?
Hanggang ngayon hindi ko maiwasang lumuha kapag naiisip kong masaya ka, masaya hindi dahil sa’kin kundi dahil sa iba.
Nung biglang nanlamig ka, tinanong naman kita kung awat na ba pero ang sabi mo ay kaya pa.
Sinabihan mo pa nga akong manatili ngunit ikaw din lang pala ang mang-iiwan sa ere.
Ayus lang naman. Uunti-untihin ko nalang tatanggapin na sa laban ng pag-ibig na to, ako ang talunan.
Sa ngayon, ako’y labis labis na nasasaktan sa iyong paglisan ngunit pinapalaya na kita dahil sabi nga nung isang kanta “Di ka naman akin talaga simula pa nung simula”.
Salamat mahal ko, sa maikling mga ala-ala. Mag-iingat ka at paalam na.