Patience
Sabi nila mag antay ka sa tamang panahon. Sabi naman ng iba dapat ngayon na. Ano ba talaga? Ako ay litong lito na. Hindi ko alam kung saan ako maniniwala.
Kasi sa tuwing ikaw ay nandiyan Palagi mong sinasabi na ngayon ang tamang panahon Ngayon ba talaga? Ito na ba talaga? Ito na ba ang naka tadhana? Gusto ba ito ng ating Ama?
Bakit parang hindi? Bakit parang madaming tanong? Tanong na kahit ikaw mismo di mo kayang masagot, kasi di ka rin sigurado.
Siguro mag antay na lang tayo sa tamang panahon na Siya mismo ang may gawa at hindi tayo. Mas gugustuhin ko pang mag antay keysa mahulog nalang sa wala.
Ayoko mang mawala ka pero mas gugustuhin ko padin. At susundin ko parin kung ano ang naka tadhana.
Mahal, tandaan mo hindi kita pinaubaya. Ginusto ko lang na sundin ang plano ng ating Ama Kasi Siya ang mas may alam sa buhay nating dalawa.
Huwag kang mag alala ipagpa patuloy ko parin ang pagdarasal at paghihintay sa tamang panahon.