“Kaibigan”

 

Ano nga ba ang kaibigan?
Kaibigan na masasabi mong maasahan?
Kaibigan na masasabi mong mahalaga?
Pero pinapahalagahan kaba?

Akala ko, kaibigan kita.
Kaibigan na nakilala ko nung una.
Kaibigan na akala ko kakaiba sa kanila.
Kaibigan na akala ko magi-stay pero hindi pala..

Dati sobrang saya natin,
Mga panahong wala pang problema sa atin.
Magkasama sa kalokohan,
At nagdadamayan sa kalungkutan.

Ngunit pagmasdan mo kaibigan,
Anong nngyari sa ating samahan?
Bakit bigla itong nasira?
At tayo’y hindi na nagpapansinan.

Nakakalungkot mang isipin pero kilangan,
Kailangang tanggapin.
Tanggapin na ang dati ko kaibigan,
Ay akin nalang dinadaan-daanan.

Exit mobile version