Iba iba talaga ang klase ng ganda.
May mga babaeng maganda sa unang pagkikita.
Meron ding ibang, maganda pag natitigan mo na.
At meron ding gumaganda dahil sa angking talino o bait niya.
At may babae ring may angking gandang di mo inakala.
Di ko inakalang may mas igaganda pa siya.
Di ko inakalang pasok siya sa lahat ng nasabi kong angking ganda.
Di ko inakalang sa kanya ako’y nahuhulog na.
Totoo nga pala mga sabi sabi.
Sabi kasi nilang mamimiss mo ang tao pag wala na sa’yong tabi.
Minsan mapapaisip ka nalang “Bat di ko pa sinabi”
Bat di ko sinabi kung gaano siya kaimportante.
Pero sabi nga nila. “Di kailangang magmadali”
Isipin mong maigi bago mo ito isabi.
Mahirap magbitaw ng mga salita.
Lalo na at hindi kapa siguradong siya na nga.
Mahirap magbitaw ng mga pangakong hindi mo kayang panindigan hanggang sa dulo.
Baka bigla ka nalang magluko.
Isiping mabuti bago ito sabihin.
At dapat din itong sabayan ng panalangin.
Oo, miss ko siya.
Gusto ko siyang makita.
Gusto kong mangumusta.
Gusto kong tumawag sa kanya.
Pero mamaya na.
Baka mas mapalapit ako sa kanya.
At baka siya ay umasa.
Gusto ko munang mapagisa.
Magpakasaya sa kung anong bigay ng Diyos Ama.
Tuklasin mga bagay na dapat alisin at pag-aralan pa.
Balang araw, kapag ito ay klaro na.
Magpapakalalaki ako at makikipagkita.
Sabihin mga bagay na matagal ko ng gustong iparinig sa kanya.
Pero sa ngayon ay kaibigan lang muna.
Di natin alam takbo ng kapalaran.
Malay mo balang araw magkita uli tayo kung san ka man.
Darating ang araw at babagsak tayo sa kasalan.
Ang Diyos ating matibay na Sandalan.