Kasunduan

Hindi ba’t tayo’y may kasunduan?
“Walang iwanan hanggang dulo, pangako yan!”
Ngunit bakit ngayon ay nag-iisa
Nangungulila sa iyong pagsinta

Bakit naiwan akong nag-iisa at sabik na sabik
Sabik sa iyong mga yakap at halik
Nangungulila at nanabik
Kahit na alam kong kailanma’y di na babalik

Pumikit ako at binalikan
Lahat ng alaalang pinagsamahan
Nagsimula nang ngiti mo ay masilayan
Hanggang sa nagkaroon ng “till death to us” part na kasunduan

Mahal naman, bakit kay bilis natupad ang kasunduang ginawa sa harap ng altar?

Till death do us part, mahal

Sa aking pagmulat, sa iyong puntod ako napatingin
Di pa rin makapaniwalang wala ka na sa akin
Napatingin ako sa langit at ula’y nagbabadya
Dapat pala ay umalis na rin maya-maya

Paalam, mahal
Di na rin ako magtatagal
Huwag kang mag-alala
Kakayanin ko pa naman

Handa pa rin naman akong isakatuparan
Lahat ng pangarap na ating napag-usapan

Hindi ba’t tayo’y may kasunduan?

Published
Categorized as Poetry Tagged

By Angelica

Perfectly imperfect. In love with beautiful words. 💕

Exit mobile version