Paano nga ba?


Sa sobrang lalim ng sugat na iniwan mo, hanggang ngayon parang nalulunod parin ako sa sarili kong sugat. Hindi ako makaahon, hindi ko alam kung bakit. 

Hanggang ngayon ang dami paring tanong sa isip ko. Di ko alam baka alam ko naman pala yung sagot pero di ko lang tinatanggap. 

Hindi ko alam kung kailan ako makakabangon pero mas di ko alam kung paano ako magsisimula. Akala ko kasi nagsimula na pero hindi pa pala. Sa tuwing magpapakita ang multo ng nakaraan, bumabalik lahat. Balik sa una kumbaga. Hindi ko alam anong makakatulong sakin pero para akong pinapatay ng paulit ulit sa sakit. Sakit na hindi ko masabi sa lahat. Akala ko kaya ko pero ang hirap rin pala intindihin yung dahilan kung ikaw mismo di mo maintindihan kung bakit ganun yung dahilan? Bakit hindi ko maintindihan? Bakit hindi ko matanggap? Kailan ko matatanggap? Mga tanong na pilit kong sinasagot pero di ko alam kung saan ko mahahanap yung sagot. Di ko alam paano ko matutulungan yung sarili ko. Di ko alam paano ako maghihilom. Mga sugat na natamo simula nung di mo pinaglaban yung sa atin. Simula nung pinili mong matakot at mangiwan.

Exit mobile version