“KAYA KO PA, KAHIT ANG HIRAP NA”

Ang hirap din ee. Yung bigla ka nalang maiinis, maba badtrip, mawawalan ng gana. May mga oras na feeling mo walang problema, pero isang tambak na pala. May pagkakataon na hindi mo iniintindi kung anong kasunod na mangyayari, basta ang alam mo lang ay masaya ka palage.

Ang hirap din ee. Yung masanay kang positibo sa buhay, na kapag may dumating sayo na medyo hindi na maganda ay mapapa-isip kang daop ang kamay. Mangyayaring hindi mo na alam ang ginagawa mo, maaring wala ka nanaman sa ulo mo, pwedeng wala kanang ginawa kase masyado nang nasasaktan yang puso mo.

Ang hirap din ee. Yung makapagpasaya ng tao, ng kapwa. Na kahit ikaw mismo ay may sariling bigat sa dibdib na dinadala, na ikaw mismo ay nawawalan na ng pag asa, na parang gusto mong biglang mawala na. Pero alam mo na ang bawat tao na ito, sayo’y tunay na may halaga. Lalaban at lalaban ka.

Ang hirap din ee. Yung nasa isang relasyon ka, yung alam mo sa sarili mong hindi mo magawa yung mga bagay na alam mo din na pwedeng magpasaya sa iyong kapareha. Matapat ka, mabuti, maunawain, mapagkalinga, maalaga at higit sa lahat ay mapagmahal ka. At hindi iyon basta-basta.

Ang hirap din ee. Yung habang nasa isang byahe ka papalayo, sa irog mo, ay papalayo din yung tiyansa ng muling pagkikita ninyo. Na kailangan pa ng isang mahabang oras ng paglalakbay mahagkan lang ang kanyang mga braso, mahalikan ang pisngi at labi maging ang noo, mahal, baliwala sa atin ito.

Ang hirap din ee. Yung bang magkaroon ng kapayapaan sa dibdib, dahil kapag itong si irog naman ang pabalik, pauwi, ay nakakalampag ang aking katawan na para bang binubuliglig dahil ang tatahakin na daan ng aking mahal ay may kadiliman at pagka-liblib. Patawad, sa mga byahe mo, hindi manlang kita maihatid.

Ang hirap din ee. Yung nangyayari sayo, na nahihirapan kana, na halos ubos na ubos kana, na para bang wala kanang nagagawang tama, na tila ba ang kulang nalang ay maglaho ka. Ang hirap din ee. Ang hirap hirap. Ang hirap kapag ang pakiramdam mo na ay, wala ka nang halaga. (Mic drops)

Exit mobile version