Keep Calm and Let God

Sabi ko dati kapag 25 years old na ako dapat pamilyado na ako, may anak at asawa, may bahay, nakapag-invest at may stable na business. Sa mga nakaraang taon, akala ko posible. Masyado akong naging kampante. Haha, today 25 years old na ako and wala ni isa dito yung nangyare.
Truly, we can make our own plans but God decides.
Malungkot ba ako? Minsan. Minsan nga tinatanong ko pa si Lord kung bakit ko kailangan mag-struggle, bakit kailangan mawala ng mga bagay or tao sa buhay ko, mabait naman ako. Bakit kailangan kong magka-sakit. Ako, ako na masipag mag-work and all. Wala eh, tao lang ako.
Pero alam ko din na may purpose lahat ng struggles ko in life.
And as time goes by, nakakalimutan ko na yung lungkot. Siguro kasi mas nangingibabaw na lalo yung pagiging grateful ko in life na kahit wala pang natutupad sa mga hiling ko, masasabi ko na maswerte pa din ako. Before kapag nagpa-plano ako laging pang-sarili lamang like dapat ganito ako within a certain period, never akong akong nag-ask ng guidance from Him. And dun ko na-realize na baka kaya ko pinagda-daanan yung mga struggles na ito kasi baka wake-up call ko na ito. Baka this time dapat hayaan ko na lang siya na mag-control lalo na sa mga situation, tao or bagay na uncontrollable na.
25 years old, walang savings, investment, and own family. Pressured? NO.
Kasi naniniwala ako na God will make everything beautiful in His time. Pero kailangan mong haluan ng sipag, tyaga at diskarte. Pwede mong ipag-pray pero kailangan mo din diskartehan.
Masaya ba ako? YES.
Bakit?
Kasi hindi ko na pina-pangunahan, pinagpe-pray ko na(always), I’m claiming. Sobrang powerful ng prayer, sobrang powerful Niya. Ginagawa Niyang posible ang imposible, maraming beses na Niyang napatunayan yun sa buhay ko.
Always live the moment ‘ika nga nila. At simula nung sinabi kong “Pagod na ako Lord, ikaw naman”, dun mas gumaan yung lahat. Unti-unti nang nakaka-bangon. And yes, masasabi ko na talaga nga namang masaya na ako.
God knows who and what belongs in your life, we just need to trust him. Marami mang nawala at nag-bago alam ko naman na God will never leave us empty and it will be so much better, that you will thank Him for removing the things you lost.
Lastly, yung buhay kasi hindi race na kailangan mong makipag-unahan, journey yan. Huwag mong madaliin, hinay-hinay at pulutin mo lahat ng aral na madadaanan mo. Kung walang-wala ka ngayon, huwag ka mag-alala. We have our own season, baka bukas or makalawa ikaw naman.
Kapit lang. Tandaan mo, hindi ka nagi-isa.
Exit mobile version