Open letter sa mga kakarating lang muli sa pag-ibig sa ilang taong pag-iisa.
Pasensya na. Pasensya na dahil kararating ko lang. Sa palagay ko kulang
ang mga salitang nababanggit ko sayo parati. Sa tingin ko, pareho tayong
maraming pinagdaanan.
Marami ka, marami ako. Maraming mga alaala ng nakaraang nababalot ang ating
mga nakalipas.
Patawad. Patawad dahil ngayon lang ako nakapagpakilala.
Natauhan, nabigyang kahulugan. Nakita ang sarili sa kakarampot na rason na,
Oo nga pala. Hindi pa pala tapos ang buhay ko sa buhay pag-ibig.
Pasensya na. Noong debut mo, wala ako. Hindi mo pa ako kilala.
Hindi mo pa nakikita kung sino ako. Iba pa ang taong nakatayo na naghihintay
sayo paparating sa upuan mo na parang bida sa palabas.
Paumanhin, wala rin ako sa JS Prom mo para isayaw ka. Wala rin naman akong
magagawa. Napansin man kita, hindi ko na lang sinabi kasi natatakot pa rin ako.
Isa akong duwag.
Sorry, isang maarteng salitang bumalot sakin. Dahil sa kawalan ko ng gana
sa pag ibig. Akala ko hindi na ikaw. Pero bumungad ka sa isipan ko. Nakita kitang muli.
Lumakas na yung pakiramdam ko na nandito ka na pero patawad. Matagal akong
hindi mo nakilala’t nagmahal sayo, kulang na kulang pa rin ako kahit na
alam mong nandito na ako. Pasensya na.
Pero salamat, tinanggap mo ako at minahal. Mahal na mahal kita.
PS. Selos ako.