Sa nakalipas na taon

Sa makalimot o sa makaalala?

Tanong ng pusong hindi mawari kung ano nga ba talaga ang hinahatid at iniisip ng emosyong humihingal sa’yong pagkawala.

Nagsimula sa pag-aaway na nakahigit sa ultimo maliit na bagay na hindi naman sadyang gawin datapwat ay dapat magbigay-aral, mapansin at maintindihan.

Nagsimula sa sumpaang pilit pinagsikapang makamit at dumaan sa maliliit na kirot ng puso hanggang humantong sa puntong mas nakalalamang ang sakit sa maramdaming parte nito.

Dapat bang pansinin? O dapat ay maging tanda ng pagiging maayos na pagsasama? Iiwanan na lang? Hindi na lamang ba aayusin?

Sa pag-ibig na may sobra at kulang, natitimbang ang lungkot at saya at darating ka sa puntong magdadalawang-isip ka kung ano nga ba talaga. May sigawan, turuan, diktahan ng mga salita at dudurugin ka na parang matigas na pinagong sa sobrang tagal mo nang bato.

Minsan tama ang mga aksyon at salita. Mali lamang sa paningin ng taong nadiktahan. Gawain mang pang mag-asawa ngunit nangyayari rin ang patimpalak sa relasyong hindi mo na masabi kung hanggang kailan pa ba.

Nasaan na ang sumpaang naganap? Kakalimutan na ba? Dudurugin na ba sa limot? Hanggang kailan mo aalalahanin ang sakit?

Hindi man lahat ng tamang tao ay nariyan at magbabago para sayo pero sa sumpaang tinanggap nyo ang isa’t-isa, susuko ka na lamang ba?

Hindi mo man makita ang mga salitang makapagsasabi na mahal mo sya, sino ba sya at ano bang iginawad nya sayo makalipas ang ilang araw, buwan, taon, dekada at makalagpas pa?

Ang minsang rason na kumalas ay karumal-dumal.

May mga araw na maaalala mo ang lahat, may mga araw na makakalimot ka sa muling pagiging abala sa paglilinis ng sarili mong bahay at dadalawin ka pa rin sa alikabok at dumi ng araw-araw na aktibidad.

Kung kilala mo ang pag-ibig sa dalawang mukha nito at maalam kang humawak ng mga bagay na dapat mong dalhin at alisin sa isipan. Ikaw na.

Kung ang mga sumpaa’y natutupad, tiyak na walang malungkot na tao sa balat ng lupa.

Minsan hindi na rin kapani-paniwala ang mga kasabihan, babasahin at mga pahayagan. May mga panig na hindi mo maikakaila at kakampihan. May mga panig rin na hindi mo gusto at pilit na kokontrahin.

Kaya, san ka pa? Nawa’y kumampi ka sa tamang panig.

(Para kay Oryang)

Published
Categorized as Move On

By Jalm

“Hayaan mo munang isulat kita, bago kita tuluyang isuko.” “Hanggang kailan mo hindi mamahalin ang taong walang ginawa kundi mahalin ka?” “Bago ka sumuko, subukan mo muna. wala namang masamang sumubok sa mga pagkakataong magmamahal.” “Mahirap magsimula kung dulo ang sisimulan. Hindi laging nasusunod ang mga kasabihan kaya subukan mo.”Ilan lamang yan sa mga naisulat nyang salita.Nagsusulat sya bilang isa sa mga nakararanas ng sakit at nagdadala ng sakit ng iba. Nagsusulat rin sya bilang isa sa mga nakakaranas ng saya.Kaya dalawang mukha ng Pag-ibig ang pamagat dahil sa paborito nya ang bandang Sugarfree, Rivermaya at ang mga tumiwalag sa banda na pawang mga bokalista na sina Ebe Dancel, Rico Blanco at Francisco “Bamboo” Mañalac at hindi rin maikakaila na ang mga isinulat nya ay ukol sa masaya at malungkot sa dala ng pag-ibig.Talagang nagdirigma para sa pag-ibig. Talagang tipong “World within the world” ang hilig nya dahil sadyang mapagmahal sya.siya si Jalm /dyam/ , isang 22-anyos na lalaking may hilig sa patagong pagsulat. Isa syang graduate ng Batsilyer sa Komunikasyong Pangmasa.Isa sya sa mga nangongolekta ng mga award sa pang-akademikong aspeto at iba pa noon at ngayo'y nagtatrabaho sa pamantasan na kanyang pinasukan noong kolehiyo.Kaunti lamang ang nakakaalam ng mga isinusulat niya.Mahilig siya sa pagbabasa minsan, sa potograpiya, pag-eedit, bidyograpiya at syempre hindi sya sumusuko na maging guro.Hindi sya palatawa. Tahimik siya. Ngunit kapag siya'y nakilala mo sa personal, tunay syang masaya at nakangiting kikilala sa iyo.Marami lang syang hinaing sa buhay. Marami syang pasakit. Hindi nya ipapakita ito sa personal ng gasyano ngunit kung papansinin, talagang masaya ang makikita mo sa kanya.Nafeature noong 2016 sa betsin-art parasite ang kanyang isinulat na “Tiwala Patungo Sayo”

Exit mobile version