Open letter sa mga kakarating lang muli sa pag-ibig sa ilang taong pag-iisa.

Pasensya na. Pasensya na dahil kararating ko lang. Sa palagay ko kulang
ang mga salitang nababanggit ko sayo parati. Sa tingin ko, pareho tayong
maraming pinagdaanan.

Marami ka, marami ako. Maraming mga alaala ng nakaraang nababalot ang ating
mga nakalipas.

Patawad. Patawad dahil ngayon lang ako nakapagpakilala.
Natauhan, nabigyang kahulugan. Nakita ang sarili sa kakarampot na rason na,
Oo nga pala. Hindi pa pala tapos ang buhay ko sa buhay pag-ibig.

Pasensya na. Noong debut mo, wala ako. Hindi mo pa ako kilala.
Hindi mo pa nakikita kung sino ako. Iba pa ang taong nakatayo na naghihintay
sayo paparating sa upuan mo na parang bida sa palabas.

Paumanhin, wala rin ako sa JS Prom mo para isayaw ka. Wala rin naman akong
magagawa. Napansin man kita, hindi ko na lang sinabi kasi natatakot pa rin ako.
Isa akong duwag.

Sorry, isang maarteng salitang bumalot sakin. Dahil sa kawalan ko ng gana
sa pag ibig. Akala ko hindi na ikaw. Pero bumungad ka sa isipan ko. Nakita kitang muli.

Lumakas na yung pakiramdam ko na nandito ka na pero patawad. Matagal akong
hindi mo nakilala’t nagmahal sayo, kulang na kulang pa rin ako kahit na
alam mong nandito na ako. Pasensya na.

Pero salamat, tinanggap mo ako at minahal. Mahal na mahal kita.

PS. Selos ako.

“Hayaan mo munang isulat kita, bago kita tuluyang isuko.” “Hanggang kailan mo hindi mamahalin ang taong walang ginawa kundi mahalin ka?” “Bago ka sumuko, subukan mo muna. wala namang masamang sumubok sa mga pagkakataong magmamahal.” “Mahirap magsimula kung dulo ang sisimulan. Hindi laging nasusunod ang mga kasabihan kaya subukan mo.” Ilan lamang yan sa mga naisulat nyang salita. Nagsusulat sya bilang isa sa mga nakararanas ng sakit at nagdadala ng sakit ng iba. Nagsusulat rin sya bilang isa sa mga nakakaranas ng saya. Kaya dalawang mukha ng Pag-ibig ang pamagat dahil sa paborito nya ang bandang Sugarfree, Rivermaya at ang mga tumiwalag sa banda na pawang mga bokalista na sina Ebe Dancel, Rico Blanco at Francisco “Bamboo” Mañalac at hindi rin maikakaila na ang mga isinulat nya ay ukol sa masaya at malungkot sa dala ng pag-ibig. Talagang nagdirigma para sa pag-ibig. Talagang tipong “World within the world” ang hilig nya dahil sadyang mapagmahal sya. siya si Jape /dya-pe/ (Jasper Ace PE), isang 22-anyos na lalaking may hilig sa patagong pagsulat. Isa syang graduate ng Batsilyer sa Komunikasyong Pangmasa. Isa sya sa mga nangongolekta ng mga award sa pang-akademikong aspeto at iba pa noon at ngayo'y nagtatrabaho sa pamantasan na kanyang pinasukan noong kolehiyo. Kaunti lamang ang nakakaalam ng mga isinusulat niya. Mahilig siya sa pagbabasa minsan, sa potograpiya, pag-eedit, bidyograpiya at syempre hindi sya sumusuko na maging guro. Hindi sya palatawa. Tahimik siya. Ngunit kapag siya'y nakilala mo sa personal, tunay syang masaya at nakangiting kikilala sa iyo. Marami lang syang hinaing sa buhay. Marami syang pasakit. Hindi nya ipapakita ito sa personal ng gasyano ngunit kung papansinin, talagang masaya ang makikita mo sa kanya. Nafeature noong 2016 sa betsin-art parasite ang kanyang isinulat na “Tiwala Patungo Sayo”