Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Ang inconsistent ng tao.
Minsan sa mga nabitawan mong salita, alin dun ang natupad?
Sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya pero nasaan ka ba talaga?
Kapag ba hindi na masaya, ayawan na lang? Parang hindi yata ito ang sagot.
Kaya siguro ang hirap mangako sa simula dahil minsan hanggang sa una lang talaga.
Hindi masamang mangarap. Ang masama ay ang intensyon mong itulak pababa ang pangarap ng iba.
Lalong hindi rin masamang maging matamis sa pag ibig, kung wari’y alam mong ika’y minamahal at ipinangangadalakan sa harap ng lahat ng taong wari’y masaya para sa iyo.
Hindi mo na lang dapat itinakwil.
Hindi mo na lang sana pinansin ang lahat ng mga bagay na masama.
Hindi ka lang marunong mag hintay.
O baka hindi mo talaga nakikitang sapat ang taong nagpakilala sayo bilang estranghero at naging kaibigan at mas higit pa roon.
Hindi lahat ng ugali ay maayos siya kaya tandaan mo. Walang perpektong tao sa mundo.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Ingatan mo yung taong pinangakuan mo at magkaroon ka nawa ng isang salita. Kapag nangako ka, siguraduhin mong posible mong tuparin ito at lumiban ka sa pagsuko.
Mahal ka na nga, magdedemanda ka pa. Hindi mangmang at manghuhula ang kasama mo. May kahinaan at kalakasan din yan. Ginusto mo yan kaya wag mong itakwil.