Kumplikado, plakado!

Tuwing kailan nga ba nagiging kumplikado ang isang bagay?

Kapag ba kaya mong iwan, pero hindi pwede? O gusto mong iwasan, pero hindi mo magawa.

Napakadaming paraan dito sa mundo, napakadaming dahilan din. Pero mas marami ang mga bagay na naghihilaan.

Naghihilaan in a sense na, kapag ginawa mo ‘tong bagay na ito, may madadamay… may masasagasaan.

Kapag tinanggal mo ito, hindi na masaya. Kapag umalis ka, maghahanap ka din ng iba. Kapag iniwasan mo, lalong lumalapit. Kapag sinubukan mong maging tapat, minsan mawawala, minsan lalong nagkakaproblema.

At sa huli, maiisip mo na masyadong kumplilado.

Napaka kumplikado talaga ng sitwasyon lalo na kung sinimulan mo ito ng mali, sinimulan mo sa maling pamamaraan..

Oh basta nagkamali ka tapos sinusubukan mong ayusin. Oh kaya, nangyari ang isang bagay sa maling panahon, maling oras at pagkakataon.

‘Diba ? So papaano maiiwasan ang kumplikadong bagay? Mga simpleng bagay lang sana sa huli at mangyayari lang ng walang kapagod pagod o hindi ka masyado naglaan ng oras at pagod.

Madalas mo sigurong sasabihin na “mahirap”.

Kung ikaw? Nasa sitwasyon kang kumplikado, ano sana ang ginawa mo nung una para hindi na humantong ng ganito?

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version