Kung Loloobin. Idadaan ko muna sa panalangin.

Yet not as I will but  Yours be done...  (Luke 22:42) 

Noon ako yung tipo na pag nananalangin ipinipilit ko ang gusto ko… 

I remember this specific day where I am crying out and begging God na sagutin na yung  panalangin na gusto ko. I remember that pain where I’m telling God na hindi kona talaga kaya kung hindi masasagot ang panalangin kona yun. 

Marahil ikaw din nasa sitwasyon ka na may ipinapanalangin kang specific na tao , trabaho, course, bagay at madami pang iba na gusto mo.  

Marahil ikaw yung: 

-Nananalangin na maisama na ang family sa church para kasama na magserve sa Lord. 

-Nananalangin na mahalin ka din nang taong mahal at gusto mo. 

-Nananalangin na gumaling ka o ang family member sa isang malubhang sakit. 

-Nananalangin na marestore na ang broken na family. 

-Nananalangin na makapagaral at makapagtapos nang course na nais mo. 

-Nananalangin nang divine provision sa mga bayarin o utang 

-Nananalangin na makatanggap nang hustisya. 

At marami pang iba… 

 Marahil ikaw nga ang nananalangin pero hindi sinasagot ang panalangin. 

Madalas nagagalak at nagpapasalamat tayo sa mga panalangin na sinasagot Niya pero nagawa mona ba na magalak at magpasalamat sa mga panalangin na hindi Niya sinagot? 

Naalala ko noong nananalangin ako na kunin na Niya ako dahil pagod na akong mabuhay sa mundong ito at gusto kona makasama ang Lord sa langit. Matagal tagal kong naging battle ang pagiging depressed at suicidal dahil sa mga naranasan ko simula bata na pagiging parte nang broken family, pagkakaroon nang sakit, nakaranas nang sexual harrasment,rape at madami pang iba na nagsabay sabay at tila nakakawalang pagasa na. 

Pero ang naging sagot Niya sa akin at marahil ang sagot na hinihintay mo din: 

Heaven can be hell if Jesus is not there, hell can be heaven if Jesus visits there and earth can be heaven if Jesus will dwell here.” In short, hindi ung “heaven o answered prayer” ang blessing at reward for me kundi as long as may Jesus ako, everything will be alright. As long as I have Jesus I have everything I need and want! If I have Jesus, what more could I ask for? 

 Marahil makuha nga natin ang sagot sa ating iba pang ipinapanalangin ngunit kung hindi naman Niya kalooban ito , maniwala ka,hindi din ito magiging blessing. Marahil sa una masaya ka pero kung hindi kalooban nang Diyos yan panigurado ikakapahamak mo yan. Aanhin natin ang kasagutan sa mga panalangin kung ngiti naman nang Diyos ay wala sa atin ? 

Tao tayo at Diyos Siya. Siya ang lumikha nang lahat kaya kung mas may makakaalam kung anong makakabuti sa atin, walang iba kundi Siya.  

Kaya dalangin ko na sa nagbabasa nito, hindi kana magtampo o malungkot kapag may panalangin kang hindi sinasagot. Dahil sa totoo lang ang will =Want o kalooban nang Diyos ay para sa ikakabuti mo din.  

God’s will for you is—his good, pleasing and perfect will. (Romans 12:2) 

Kaya bakit ka malulungkot? Bakit ka mangangamba?  

Jesus is the perfect example of submitting to the Father’s will even he is in deep pain/agony . At dahil nagsubmit Siya, pinako man Siya sa krus at namatay pero ang tindi nang naging result which is: our salvation and He is now seated at the throne. 

Isa lang ang natutunan ko, sa una man diko maintindihan bakit di masagot ang panalangin ko at masakit man basta’t submit at sunod lang ako sa will nang Lord dahil maganda ang magiging resulta nito. 

Pero kung ang ipinapanalangin ko man ang kalooban Niya.. Maghihintay ako nang may galak at pananampalataya .. kaya sa ngayon..

“Kung loloobin. Idadaan ko muna sa panalangin”.. 

So in the face of dusk and dawn, when shadows fade and hope is drawn, Let my heart, beneath the sun, echo the prayer, “Thy will be done.” 

 

-AG 

 

 

Exit mobile version