Kelan ba?

Kelan kaya darating yung ako naman yung pipiliin?

Yung hindi ako hahayaan na laging magquestion about sa worth ko.

Yung tipong masisingit ako sa oras kahit pa gaano kabusy yung schedule niya.

Yung hindi ko na kailangan maghintay ng matagal kung kelan ako muling maaalala.

Kelan kaya darating yung para sakin?

Kasi ang hirap ilaban yung taong palagi nalang sinasaktan damdamin mo.

Ang sakit sa pakiramdam na anjan ka naman lagi pero hindi ka pinipili.

Palagi kang naghihintay sa kanya kung kelan ka maaalala at kung babalik pa ba sya.

Yung lagi kang magtatanong kung ano bang mali nagawa mo kung bakit nawawala nalang siya bigla.

Tipong sayo naman yung oras niya, yun nga lang kapag hindi siya pinipili ng mga option nya.

Nasa option ka naman, kaso ikaw yung laging nasa hulihan.

Gusto mo lang naman mahalin ka pero ikaw parin yung mali sa dulo kapag nagdemand ka.

Ang sakit noh? Sobrang sakit.

Pinipili kong magstay kasi baka naman dumating yung araw na mabaling yung atensyon mo sakin.

Baka mahalin mo na din ako hindi lang kapag nagustuhan mong ipakita yon.

Lagi kong sineset aside yung sakit na nararamdaman ko para lang lagi kang bumalik.

Alam kong hindi ka manhid para di mo makitang nasasaktan ako.

Pero sa kabila ng yon wala lang sayo.

Wala lang ako sayo.

Paulit ulit lang nangyayari at sana dumating yung araw na kaya ko na pakawalan yung nararamdaman ko sayo. Hindi ko na kayang makita yung sarili kong araw araw nalang umiiyak dahil naguguluhan nako sa sitwasyon.

Gusto ko maranasan na mahalin din. Kelan ba?

Photo by Robin Lyon on Unsplash 
Exit mobile version