Kung Nakokonsensya Ka Na, Puwes Magpaalam Ka

Na-flatter kita ng attention ko. Tinitext kasi kita, tinatawagan.

Timing yata ako palagi kasi
you reply to me naman.

‘Di ko alam kung bored ka lang nung mga time na ‘yon. Baka nahihiya ka sa akin.

O ayaw mong maging rude or suplado ang iyong dating.

Confident naman ako sa ganda at figure ko.

Feeling ko nga minsan, angat ako sa iba kung outward appearance lang ang batayan.

Kaya tumagal din ng ilang buwan ang ating ugnayan.

Kung may nakikita akong cute, like videos ng panda, shini-share ko agad sa’yo.

Ikaw rin, pa-cute madalas ang mga messages mo.

Pero may nakapag-advice yata sa’yo na mali ang ginagawa natin.

Godly ka daw at malandi naman ako.
Hindi daw bagay ang ating mga pagkatao.

Nakonsensya ka ba?

Feeling mo ba mali na ang mag-chat or magreply sa akin?

Kaya bigla nalang yung mga calls at messages ko ay hindi mo na pinapansin?

Eh, bakit?

Tama rin ba na huminto ka nalang bigla?

What do you expect? Ako ay liligaya?

Pinasakay mo ‘ko sa mga ka-sweetan mo tas bigla kang pe-preno.

Siyempre tatalsik ako, titilapon.

Wala naman akong kinakapitan.

Hindi ka naman nagbigay ng promise or commitment na pwede kong panghawakan.

Akala mo ba masarap tumalsik? Masaya ba ang tumilapon?

Nakakahiya. Masakit.

So, sa tingin mo ba, tama ang iyong ginawa?

Godly ka daw, mabait.
Nahiya naman ako, ako pa ngayon ang mapait.

Sino ba yang kuya or ate na nag-advice sa’yo?

Ako din kaya, kayang bigyan ka ng payo.

Here’s my advice for you, Gwapo.

Kung nakonsensya ka na sa pinag-gagagawa natin, sana dinahan-dahan mo ang aking damdamin.

Magpaalam ka.

Sabihin mo, magsa-stop ka na, kasi di tama na tinatrato mo ako na parang alaga mong pusa.

You know, yung pet mong nagpapasaya sa’yo pero never mong pakakasalan kasi matino ang iyong isipan.

Eh diba, ganun mo rin ako.

I amuse you especially when you are bored but I could never get you to commit to me.

Never, ever most probably.

So, kung na-guilty ka na, at least nag-one last message ka sana.

At nang na-prove mong lalaki ka nga, maka-Diyos, kung i-describe pa ng iba.

Hindi yung bigla ka nalang nag-disappear.

Good for you, you have mga ate, kuya at barkada.

Eh ako, wala.

Sino ang magsasabi sa akin kung ano ang tama kong gawin ngayon?

How and when will I be able to fully move on?

Masakit na yung ilang buwan kong ininvest na pera, time at effort sa’yo, walang kwenta lang pala.

Sana naman tinodo mo na ang iyong konsensya at hindi mo ako iniwang nagtataka.

So, please, kung mauulit mo ito sa iba, huwag naman sana, you know, yung pag-chat, show concern, update sa ML.

Plus yung pashare-share ng pinagdadaanan pero you have no plans naman pala na ligawan, please lang, huminto ka na.

At sa pag-preno mo, bago mo rin siya iwan, sana mag-explain ka muna sa kanya.

By Wagas

It is the glory of God to conceal things, but the glory of kings is to search things out.

Exit mobile version