Paano tatakas?
Paano makaka aklas.
Paano?
Paano nga ba mahal?
Limitado sa lahat.
Tanggap ko. Malinaw saakin madalas na tugon ko.
Pero malabo parin pala talaga.
Sadyang mata ko ay kailangan ng labakara.
Madalas mong iparamdam
KALMA. Kalmahan ko lang.
Kumalma sa mga panahong sumusobra na.
Kumalma sa panahong diko mawari kung ako’y mababali na.
Palaging bumabalik sa mga oras na naaamoy ko ang balat mo.
Mararamdaman ko ang dampi ng mga labi mo.
Mayayakap ang init ng katawan mo.
Habang minamasdan ang himbing ng tulog mo.
Pero wala akong magagawa dahil laging limitado ako.
Kailangan kong tanggapin na malinaw saakin ang pinasok ko.
Malinaw na hindi ako ang una sayo.
Na sadyang sa gilid lang ako, yuyuko at tatango kung kailan mo gusto.
MAHAL KITA.
Mahal na kita.
Ramdam ko.
Mahal kita sa mga paraang alam kong ikaw lang ang makapagpapaliwanag.
Mahal kita sa mga oras na tinatawag mo ang pangalan ko.
Mahal kita sa mga oras na dimo kontrolado ang emosyon mo.
Mahal kita sa mga oras na tumatawa ka sa mga nakakatawang itsura ko.
Mahal kita sa mga panahong mahal mo ang ako.
At lalong mas mahal kita,
dahil kilala mo ang totoong mga MATA ko.