Tahanan para sayo Paraluman

Sino mag aakalang isang gaya ko ang makakayakap sayo?
Yayakap sa buhay na pilit mong tinatago.
Sa gaya ko na isang di hamak na palamuti sa gulo ng mundo.

sa unang pagkakataon,
naranasang habulin at amuhin.
naranasang mahalin ng kahit sa patagong pag tingin.
pahalagahan ng malalim.
makitang ang ganda mo’y di nakabase sa nakikita mo sa salamin.

Bawat hakbang ng mga paang patuloy ang lakad papunta sa direksyong ikaw lang ang hangganan,
Kailan ka huling natakot?
natakot na baka ikaw naman ang balikan ng tadhana.
natakot na baka ikaw naman ang makaranas ng may tampalasan.

Gulo at kulog ng dibdib?
sa bawat pag tawa at pag salbag ng muka mo’y kita ko ang pagpawi sa miserableng nakaraang pinipilit mo paring ilaban .
Ngunit mga mata mo’y nangungusap, pagod mo’y bakas sa bawat hagikgik ng iyong mga labi.

Sadyang bihira ang totoong lulusong at magpapalunod sa lalim ng andyan.
Alam mong parati akong andyan.
Lalo na sa nga panahong kailangan mo ng totoong tahanan.

Tahanang di ka huhusgahan.
Tahanang pwede mong sandalan sa mga panahong katawan mo’y bagsak na sa laban.
Tahanang ikaw lang ang makakapag sabi kung kelan mo gusto lumisan.
Tahanang kahit anong hirap tirahan, espasyo mo’y laging nariyan.

By RoscheDeyen

Matalinhagang pananalita ng pusong laging nagtiyatiyaga umunawa. Mabilis makaunawa, sadyang mahilig tumula. Mapagpatawad na puso'y laging tulala

Leave a comment

Exit mobile version