Mahal mo lang ako in random

Alam ko ang dapat kong gawin pero hindi ko magawa. Sa tuwing nakikita ka o kaya nagpaparamdam nagiging marupok ako. Alam ko hindi pwede at malabong maging tayo dahil sa mga personal reasons.

Mahal na mahal na kita gusto ko man sabihin sa iyo yan kaso pinipigilan ko sarili ko. Sa mga nangyayari ngayon, your confusing me sa nararamdaman mo na sa akin. Naaalala mo nalang ako in random, bigla bigla ka nalang magsasabi ng i love you in random tapos minsan parang i’m just a normal friend mo lang. I dont know kung nagpipigil ka lang din or sadyang Pa fall ka na lang.

I want to end this na dahil sobra na ako nahihirapan at nasasaktan. Alam ko na kailangan iwasan na kita kaso masaya ako kapag nakikita kita at kinikilig ako pag nagmemessage ka kahit in random lang.

Exit mobile version