Alam ko nasasaktan kita ng sobra
Sana bigyan pa ng mas mahabang pasensya
Nagising din ako sa mga nasabi mo
Pasensya na Mahal ko ako’y naging abala
Abala sa opisina, sa pamilya atbp
pero wag naman sana maging tanong sayo kung mahal kita
Nalito man ako, kinabahan, natakot sa pwedeng mangyari
PERO MAHAL KITA
Hindi ako mapapagod suyuin ka.
Alam mo naman yan noon pa..
Kahit ako naiinis na din sa sarili ko dahil sa mga sinabi mo.
Babawi ako promise ko yan sayo.