Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Na sana tuwing didilat ang aking mga mata
Sa pagising ko bawat umaga
Ikaw ang una kong makikita?
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Na sana tuwing malamig ang ihip ng hangin sa gabi
Ang iyong yakap ang magiging kapiling
Hanggang sa ako ay makatulog ng mahimbing?
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Na sana tuwing parang pasan ko ang mundong mag-isa
Ang iyong mga kamay ang kaagapay
Mahawakan ito na tila ba nariyan ka lang panghabangbuhay?
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Na sana tuwing pagod ako galing trabaho
Makausap ka lang at makapiling ka sa hapagkainan
May isang tao lang ako na pwede kong sandalan?
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Dahil ikaw lang ang hinahanap na siyang kulang
Upang mabigyan ng magandang ngiti
Itong nangungulila kong mga labi.
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Dahil iba pa rin talaga na nariyan ka
Hawak hawak, Akap akap,
Kakulitan, kahati sa kasiyahan.
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Wala naman akong kasalanan diba?
Nagmamahal lang naman ako at nangungulila
Taimtim na humihiling sa mga tala.
Mali ba talaga ang gustuhing makasama ka?
Dahil mahal lang naman kita.
Mali ba ang gustuhing makasama ka?
Mali ba?