Nakikita mo ba?
Nakikita mo ba sa iyong likuran ang aking mga yapak nang ako’y magmakaawang ako’y ‘wag lisanin?
Nakikita mo ba ang galit sa aking mukha nang iyong saktan ang aking damdamin?
Nakikita mo ba ang aking hinaing nang ang iyong mga pangako’y iyong pakuin?
Nakikita mo ba ang luha sa aking mga mata na ang tangi mong ginawa’y panoorin?
Nakikita mo ba?
Nakikita mo ba ang dating ako na sayo’y baliw na ‘di kayang mabuhay kung wala ka sa aking tabi?
Nakikita mo ba ang dating ako na ang tanging hinangad ika’y mapasarili?
Nakikita mo ba ang tayong ‘di mo pinahalagahan at ang mga pangakong iyong binali?
Nakikita mo ba ang ako na dati sayo’y umiiyak na parang wala sa sarili?
Marahil ay hindi.
Hindi mo nakikita.
Sapagkat ang tanging nakikita mo ngayon ay;
Babaeng masaya at tuluyang naging malaya sa nakaraan ng bangungot.
Babaeng inakala mong ika’y hindi maibabaon sa limot.
Babaeng pinaniwalaan mong ikaw lang ang makapagbibigay nang kirot.
Babaeng oo, dati ay mahal ka.
Ngunit ngayon ay may mahal nang iba.
Nakikita mo na ba?
Ang ngiti sa kanyang labi na hindi na ikaw ang dahilan?
Ang saya sa kanyang mga mata na ang isinisigaw na ay iba?
Nakikita mo na nga ba?
Ang damong inapakan mo lamang at ‘di pinaglaanan ng oras,
Ngayo’y bumangon at namulaklak ng rosas.
BinibiningEma🌺