Nasaan ka na, Malapit ka na ba?

Asan ka na? Malapit ka na ba?

Ako’y napatigil at napatitig sa kawalan.

Biglang nag-iba ang aking pakiramdam at tila nakita ko na… Nakikita ko na ang aking hinahanap.

Sumagi sa aking isipan kung paano nga ba nagsimula itong istorya na drawing lang nung umpisa at ngayon ay nakukulayan na.

Di ko alam kung bakit ikaw pero isa lang ang sigurado, ikaw ang bigay ng Maykapal na matagal ko nang hinahangad.

Ikaw!… Oo, Ikaw!… Ikaw nga…
Ikaw na handang samahan ako sa oras ng lumbay at tagumpay.
Ikaw na syang magpapasensya sa tuwing ako’y pasaway.
Ikaw na laging sasamahan ako na magpuri sa Panginoon.

Marahil hindi ka tulad ni Alden na may dimple sa pisngi.
Hindi ka tulad ni Bamboo na magaling kumanta at rakista.
Hindi ka din tulad ni Lee Jong Suk na singkit ang mata at may magandang ngiti.
At lalong lalo na hindi ka doktor na sobrang linis ng gupit at maganda ang pangangatawan.

Wala ka man sa standards ng aking mabulaklak na isipan ngunit ikaw naman ang kasagutan ng puso kong nagmamahal.

Ako’y masaya na sa aking nararamdaman. Isang masaya at makulay na emahe ng pag-ibig na pinapangarap.

Pero teka.. Ano ‘to? Bigla akong nahimasmasan. Nanumbalik ako sa realidad na wala ka pa.

Asan ka na nga ba?
Malapit ka na ba?
Kanina pa ako naghihitay. Siguro ay isa? dalawa? Marahil iisipin nila ay oras pero hindi. Taon na din ang hinihintay.

Asan ka na nga ba?
Malapit ka na ba?
Nakita na ba kita?
Nakilala na ba kita?
Nakatabi na ba kita?
Nasanggi na ba kita? O Nakausap man lang na ba kita?

O marahil natatraffic ka sa kahabaan ng edsa dahil workaholic ka?
O baka naman laging delay ang flight mo dahil traveler ka?
O baka naman busy ka sa pagaaral mo dahil nagmamasteral ka?

Napapadami ang tanong sa aking isipan pero alam ng puso ko na ikaw na nga ang aking hinihintay.

Hindi ako nagmamadali, gusto ko lang tanungin kung Asan ka na at kung malapit ka na…

Hangad ko lang pag nagkakilala tayo maituloy na natin kulayan ang nailathala na istorya ni Lord sa ating dalawa… nandito lang ako maghihintay at maghahanda sa pagdating mo.

Published
Categorized as Waiting

By Lj :D

Writing is one of my hobbies. But I'm not a Pro.

Exit mobile version