Paalam, Handa na akong lumaya.

Dati iniisip ko kung kaya pa ba.
Dinadama ko kung mahal pa kita.
Nagtatanong sa sarili ko kung kaya ko ba.
Kung kaya kong iwan ka kahit mahal pa kita.

Mahal kita!
Yan ang dalawang salita na sinabi mo sakin nung una.
Na handa mong sungkitin sa langit ang mga tala.
Na hindi ako mawawala sa iyong ala-ala.
At alam mo ba para sa akin ang hatid nito ay kilig at saya.

Ngunit bakit ganito?
Bakit gumulo?
Ako’y nagkamali!
Oo! Maling Mali…

Hindi ka naiba sa ibang lalaki na sobrang galing mambola.
Lahat ng sinabi mo ay pagkukunwari lang pala.
Umasa ako sa mga salita mong parang bula.
Na kalaunan ay agad din palang mawawala.

Akala ko ay ako lang…
Ako lang ang gusto mo.
Ako lang ang mamahalin mo.
Ako lang ang aalayan ng oras mo.

Pero bakit ganun?
Anong kasalanan ko kung bakit ginanito mo ako?
Ang payapa kong puso ay pinakumplikado mo?

Siguro nga ay dito na magtatapos.
Ang puso ko na patuloy nakagapos.
Sa pag-ibig na pang-isa lang at isang imahinasyon lang.

Siguro ay ito na nga.
Ito na ang oras para lumaya.
Mahal, ako’y magpapaalam na.

Paalam, Handa na akong lumaya.

By Lj :D

Writing is one of my hobbies. But I'm not a Pro.

Exit mobile version