Okay ka lang ba?

“Kamusta ka? Okay ka lang ba?”

Minsan eto yung pinaka sweet na tanong na gusto nating marinig sa isang miyembro ng pamilya o di kaya kaibigan ngunit eto rin minsan ang nagpapasakit ng puso natin. Pero ang tanong ko sa lahat ng nagbabasa neto, okay ka lang ba?

I don’t have the power to comfort all of you virtually pero sana okay ka pa. Laban lang! Wag aayaw sa buhay. I just want to remind you all that life is precious even it’s full of hardship.

Sa lahat ng taong may depression, okay lang ba kayo? Alam kong ito din yung tanong na gusto nyo sanang sagutin at iyakan kase ang sakit-sakit na at ang bigat na ng dinadaanan nyo ngayon. Minsan gusto nyong marinig tong tanong na to sa mga taong close sa inyo. Minsan tinatanong nyo yung sarili nyo kung bakit walang nakakapansin ng paghihrap nyo o di kaya di nila nararamdaman ang bigat ng loob nyo. Sana’y okay lang kayo.

Most of the time feeling nyo wala kayong kaibigan o pamilya na nagmamahal sa inyo. And I know that sometimes it triggers more dahil dito. I know because I struggle too. Ang hirap no? Dami mo nang problema tapos wala man lang nag reremind sa iyo na kaya mo yan.

Pero gusto ko lang ipaalala sayo ito,

1 Peter 5:7 ESV

“casting all your anxieties on him, because he cares for you.”

Okay lang kahit wala kang maiwang kaibigan o pamilya, importante mahal ka ng Diyos at balang araw may magpaparamdam din sayo ng pagmamahal. Sana ay makapaghintay din tayo balang araw. Kung ano man yang sakit na nararamdaman mo ay sana’y mapuno ito ng pagmamahal ng Diyos. Sana ay makaya pa natin at sana ay wag na wag tayong susuko.

Ipray natin na makaya natin. Let’s ask God for strength and power. Wag susuko. If you need prayers, let me know and we can talk too!

Exit mobile version