Salamat sa hindi pagpili sa akin

Ikaw ang unang naghatid ng mensahe
Ikaw ang unang naghatid ng mga imahe
Ikaw ang unang nakaisip ng ating tawagan
Ikaw ang unang nakaisip na ako’y tawagan
Ikaw ang unang nagbigay ng atensyon
Sayo galing lahat ng yon
Sayo

Ikaw ang unang naghinala
Ikaw ang unang nawalan ng tiwala
Ikaw ang unang nagsabing baka bigla akong mawala
Ikaw ang unang nagsabing baka bigla akong magbago
Ikaw lahat nagsabi nun
Ikaw

Pero

Ikaw yung biglang nawala
Ikaw yung biglang nagbago
At dahil dun, ako yung nawalan ng tiwala
At dahil dun, ako yung nawalan ng pag-asa

Bakit bigla kang nagbago?
Anung ginawa kong mali sayo?
Bakit nawala ka bigla?
Meron na bang iba?

Alam mo

Kahit di mo sabihin, ramdam ko
Na hindi ka na interesado
Kahit di mo sabihin, ramdam ko
Na wala na yung dating interest mo

Diba sabi ko sayo pag ayaw mo na
Sabihin mo at bibitawan kita
Diba sabi ko sayo pag ayaw mo na, wag mo unti untiin yung pagbabago
Sabihin mo sa akin at bibitawan kita

Pero di ka nagsabi

Gustong gusto kita pero

Ayoko na
Ayoko ng balikan lahat ng masasakit na ala-ala
Ayoko ng maramdaman yung lungkot at takot na baka mawala ka
Ayoko ng maramdaman na parang wala akong halaga
Ayoko ng makabasa pa ng malalamig na mensahe galing sayo
Ayoko ng mabasa yung mga mensahe mong sing lamig ng yelo
Ayoko na

Kaya

Patawad kung di ko na matutupad yung sinabi kong maghihintay ako
Patawad kung di ko matutupad yung sinabi kong nandito lang ako para sayo
Aalis ako kasi alam kong di ka na interesado
Aalis ako kasi alam kong wala na yung interest mo

Salamat

Salamat sa pagpapasaya
Salamat sa ngiti at tawa
Salamat sa oras at kwento
Salamat sa atensyon kahit na sa maikling panahon, naging masaya ako
Salamat na dumating ka sa buhay ko

Paalam

Sa pagtatapos ng buwan na ito
Ay sya ding pagtanggap kong dumaan ka lang para maging lesson sa buhay ko
Sa pagtatapos ng buwan na ito
Ay sya ding pagbitaw ko sa lahat ng pag-asang meron ako

Hayaan mong bigkasin ko ito
Paalam, sayo

Exit mobile version