I thought I was the one. Ibang friend pala natin!
Categories Relationships

I thought I was the one. Ibang friend pala natin!

Our closeness and friendship was unexpected. Hindi kita gusto noon, kaso you started sharing your visions and problems until 3 am hanggang na fall ako sayo. Linihim kong may pagtingin ako sayo for the 4 years na magbestfriend tayo. Ang saya saya ko kapag nag sha share ka ng mga answered prayers mo at excited sagutin mga video calls mo at pakinggan mga nangyari sa araw mo. Akala nga ng iba eh tayo, nakikilig naman ako pero alam kong friends tayo. May time noon na sasakay ako sa motor mo kaso natatakot ako tapus sinabi mong “Si Lord nga pinagkakatiwalaan ako, ikaw pa kaya”, nakilig naman ako noon!

For those 4 years of friendship, palagi kong pinapanalangin sa Panginoon na tanggalin yung feelings ko sayo kung hindi rin lang ikaw ipagkakaloob Niya. Andami kung hininging signs kay Lord, sinagot nga Niya at alam kong ikaw nga. Mga prayer list kung katangian ng God’s best nasayo at muntik ko na lahat macheck ang list ko haha. Kaso minsan nag dodoubt ako, baka kasi feelings ko lang. Ang saya ko kasi nasusuportahan mo ako sa mga visions ko at missions ko at hinihingi mga opinions ko and advices about sa mga visions at plano mo sa buhay pati na sa ministry. Akala ko ikaw na….

4 years kitang pinalangin, kaso agad naguho lahat lahat nung umamin ka na liniligawan mo isa nating friend. So ayun, ngumiti ako pero sa loob loob ko gusto ko nang lumuha. Binigay ko matamis kong ngiti kahit nasasaktan na. Nakapag advice pa nga akong, “Ipaalam mo siya sa kanyang mga magulang”.

Pasensya, iiwas muna ako. Hindi dahil may hate, jelousy or anger sa puso ko kundi gusto ko ring protectahan ang inner peace ko. Sa ngayon, ako muna…… Ako muna..

I thought I was the one. Ibang friend pala natin. Natulog nalang sana ako nung nag video call ka!

Prev Lihim ng Dapit hapon
Next The Most Important Lesson I’ve Learned in Adulting.