Ang bu-ong ako

26

Ilang taon ko ring binu o sarili ko at ngayon na pwede na..I am so ready to love again. You found me…and likewise. I was enveloped by your smile and eyes and since then I knew. No smiling eyes or lips will get my attention from you.

Kaya lang ikaw naman ang hindi buo…sinira ka nang taong hindi ka kayang hintayin at mahalin. Ang sabi mo hindi ka pa handa. Dahil ang lintek kung mata ay hindi mawala wala sayo….ang tanging nasambit ko ay “okay lang. Ako ay magiging kaibigan mo.”

Handa nga akong buo-in ka. Ako ang magbubuo sa pagmamahal na hindi ka kayang hintayin. Alam kong kaya ko kasi alam ko ang feeling na maiwan at pina asa. At pag ako ay pagbibigyan ng pagkakataon…

Ang yakap at ngiti ko ang gagamitin kong kamay sa pagkuha isa isa sa pudpud mong puso.
Ang pang unawa at pasensya ko ang magiging pantapal ko isa isa sa gasgas mong tiwala
Ang halakhak at saya ko ay kaya kung ibigay para gumawa nang panibagong alaala diyan sa nayuping puso mo na takot nang magmahal ulit.

Gusto sana kitang buo in kaya lang ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon.

Ang buong ako ngayon ay hindi maka alis alis sayo. Pagkat akoy minsan lang umibig. Ang hiling ko lang na sana ito ay malaman mo para maintindihan ng sarado mong puso na akoy nandito. Isang taong buo na handang umibig sa yo.