Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
Bakit sa dami, ikaw ang napiling pagmasdan
Ano ba ang meron ka at hindi na maalis pa
ang titig ng mga matang ikaw ang laging nais makita.

Panahon ang kabalikat sa nararamdaman
ng puso kong aligaga at tila ba naliligaw.
Tama pa nga ba itong aking nadarama
‘pagkat ayoko na sa iba, gusto ko ay ikaw.

Hindi man mapansin kung paano ako humiling
Araw araw ang dasal na sa akin ka tumingin
Ngunit labis yata ang iyong pagkabaling
At sya ang nasilayan ng maganda mong paningin.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Minsan ng napaisip kung aking babanggitin
pag ibig na nahinog sa matagal na pananahimik
o kung idadaan nalang sa musika at pasaring
malaman mo lamang ang itinatago kong lihim.

Hindi maamin ang bugso ng damdamin
marahil iniisip baka mauwi sa paumanhin.
Sapat na ang isiping masaya ako at ika’y kapiling
hindi man sa paraang ninanais ngunit ayos pa rin.

Masakit man ang sinapit ng puso kong suwail
walang magagawa kung tadhana na ang pipigil.
Nasanay na yata umibig na kahit pa balewalain,
masaktan man ng labis, ako’y magmamahal pa rin.

Ngayong masaya ka na sa piling ng iba,
wala na kong ninanais kundi ang magpatuloy na.
Tanggap na itong bagong lugar na patutunguhan
Hindi man madali ngunit kailangan ng pagdaanan.

Alaalang nabuo mula sa kahapon
Dadalhin hanggang sa habang panahon.
Pag ibig ko sayo ay lagi kong baon,
Hanggang sumapit ang ating dapit hapon.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required