Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Oo, tama ka. Mahal kita kahit alam ko na may pagtingin ka sa kanya, kahit na alam ko na isang araw may possibility na maging kayo. Pero di ako sumusuko na mahalin ka kasi mahal kita dahil mahal kita at hindi dahil gusto ko lang na mahalin mo din ako.

Yun ang mga bagay na ayaw ko sa sarili ko. Bakit? Dahil ang sakit magmahal sa isang taong di ka naman mahal pero di ko din naman mapigilan ang sarili ko na mahalin siya. Kung bakit? Di ko rin alam, isa lang ang alam ko mahal ko siya dahil mahal ko siya. Kahit na paulit-ulit na akong nasasaktan, mahal ko pa din siya. Kahit pilitin kong tumingin sa iba, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa kanya. Unfair nga lang. Ako lang yung nagmamahal eh, ako lang yung lumalaban, ako lang din ang nasasaktan, ako ang luhaan. Pero alam ko mapapagod din ako, o baka sakaling titigil din ako at sa pagkapagod ko baka ika’y dumating. Kaya sana sa susunod baka sakaling mahalin mo na ako, mahal pa din kita. Sana ikaw pa rin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required