Alam kong pagod ka na sa mga mapanghusgang mata, sa mga storyang gawa-gawa nila, sa mga salitang minamaliit ka.

Alam kong ramdam mong wala ka ng kwenta, na wala ng saysay ang mabuhay dito sa mundong mapanghusga. Sa mundong minulat kang hinuhusga.

Iha, lumaban ka. Labanan mo sila. Hindi ko sinasabing saktan mo sila o saktan ang sarili mong nagdurusa. Labanan mo sila sa paraang di ikakasama nila at makakabuti sayo.

Maging positibo ka. Tanggapin mong nabubuhay ka sa mundong puno ng panghuhusga.

Maging masaya ka. Gawin mo ang mga bagay na ikakasaya at makakabuti sayo.

Hindi daan ang tapusin ang sarili mong buhay para magbago ang mundong ito.

Pahalagahan mo ang biyayang ikaw ay buhay at wag munang pansinin ang mga negatibong komento ng mga taong nakapaligid sayo.

Tandaan mong Dios lamang ang may karapatang humusga at syang babawi ng buhay mo.